"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo."
That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...
"Sagutin mo please. Gusto kong malaman kung pareho ba talaga tayo ng nararamdaman." seryosong tugon ni Steven.
"Oo naman." sagot ni Dani.
"Pero bakit mo ko iniwan?" nakangiti ngunit naluluhang sabi ni Steven.
"H-hindi..." mabilis na tugon ni Dani sabay hawak sa magkabilang pisngi ng binata.
"Iniwan mo ko eh."
"No...nagkakamali ka."
"Hinintay kita, Dani."
"Hindi, Steven."
"Hinintay kita, pero di ka dumating. Iniwan mo ko kung kailan kailangang kailangan kita."
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Steven..." naiiyak na lamang na sabi ni Dani.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Paalam, Dani."
"No! Steven! Wag kang umalis! Steveeeeeeeen!"
~~Riiiiinnnggg... Riiiiinnnggg...~~
Biglang nagising si Daniela mula sa bangungot ng nakaraan. Hindi nya namalayan na umaagos na pala ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Steven..."
***
"Good morning anak! Kamusta tulog mo?" masayang bati ni mama Rose sa anak.
Ngumiti lang ng pilit si Daniela at naupo na para mag-almusal.
"O! Sis! Bat ganyan mata mo? Umiyak ka ba?" paguusisang tanong ng ate ni Dani.
"Huh? Hindi! Di lang ako nakatulog ng maayos. Jetlag. Alam mo na. Di pa sanay yung bodyclock ko dito." depensa ni Dani.
"Aahhh..." at tumigil na sa pag-uusisa ng kanyang ate Neri.
"Sya nga pala anak, may mga naka-schedule ka na interviews mamayang hapon. Nakausap ko na yung manager mo at pina-limit ko yung mga interviewers. Alam mo naman na excited ang lahat sa pagbabalik mo kaso sobrang dami eh." explain ni mama Rose.