It's already 6 in the evening and the Broadway Superstar, Daniela de Guzman is about to get on with her last interview. Buti na lamang at huli na ito dahil kaninang alas tres pa syang walang humpay na sumasagot sa mga tanong nila. Halos paulit-ulit na nga lang ang mga tanong pero pinilit nyang sagutin pa rin ang bawat isa sa mga ito. Dahil dito ay sumakit na rin ang kanyang ulo pero game na game pa rin sya at pilit na tinatago ang sama ng pakiramdam nya.
"Dani, you still okay, hija? Pasensya na ha. Mama Rose, pasensya na din. Medyo naparami pa rin yung mga interviewers. I thought maximum of 2 hours lang ang aabutin nito." saad ng manager ni Daniela na si Mother Lou.
"It's okay, Mother. Last one na din naman po." pilit na ngumiti ang dalaga upang di na mag-alala ang kanyang manager.
"Naku, yan ang gusto ko sayo hija eh. Go lang ng go!"
"Last reporter!" tawag ng isang staff.
Pagkatawag ng staff ay si Lolita Salas na pala ang susunod na reporter. Nagulat si Daniela ng makita ang sikwenta anyos na batikang interviewer sa showbiz. Si "Nay Lita" kung tawagin ng mga nakakakilala sa kanya ay isa lang namang notorious na interviewer dahil sa mga straight to the point na pagtatanong nito at ang no filter nitong bibig. Unusual din ang paraan nito dahil parang nakikipagchismisan lang ito sa mga iniinterview nito.
"Hello po Nay Lita!" sabay tayo ni Daniela upang bumeso kay Nay Lita.
"O, komusta naman ang bagong Broadway Superstar? Sabi ko naman sayo, push lang ng push dahil may talent ka talaga di tulad ng ibang chaknes na kilala ko!" bungad ni Nay Lita sa dalaga.
"Si Nay Lita talaga. Mabuti naman po ako." nahihiyang sabi ng dalaga.
"Ay sus! Yung pagkahumble mo talaga. Ikaw na ngayon ang nasa taas day! May "K" ka na!" muling banat ng ginang.
"O sya, ano na ang aabangan namin sayo ngayong bumalik ka na?" pambungad na tanong nito.
"Sa ngayon, wala pa po akong specific na maisasagot dahil mamaya pa lang po yung meeting ko with the big boss of Kapuso Network. But definitely, I think may movie at soap opera po silang inooffer sa akin which I have no idea of, as of now."
"Ganon? Buti naman! Sa wakas makakapanood na naman yung mga tao ng totoong talent sa pag-arte. Kaloka yung mga trying hard na mestiza lang ginawa ng bida wa naman talent sa acting."
Natatawa na nahihiya naman si Daniela habang pinapakinggan ang mga side comments ni Nay Lita. Pati ang manager at ina nito ay natatawa din sa mga komento nito.
"Sobrang successful ka na ngayon, pwede ka na din mamili ng gusto mong makatrabaho, sinong aktor naman ang gusto mong makapareha sakaling papiliin ka?" sunod na tanong ni Nay Lita.
Isang tao lang ang naisip na gustong makapareha ng dalaga pagkarinig sa tanong na iyon ngunit iba ang sinagot nito. "Ah...siguro po si Dennis Ho o kaya si Sid de Mesa dahil--"
"Si Steven Chan, ayaw mo?" biglang sabat naman ng ginang.
Natahimik naman bigla si Dani sa binanggit na pangalan ng ginang.
"O, di ba? Award-winning actor mapa-pelikula or tv. Saka balita ko type mo yung ganong looks na chinitong moreno. Idagdag mo na yung ganda ng katawan ngayon ni Steven. Lalong lumakas ang appeal sa mga girls! Anong say mo?"
"Ah...napakagaling nga po ni Steven, Nay Lita. Why not po? Kung may darating man po na project at makasama ko sya, okay lang naman po." pagsang-ayon ng dalaga sa sinabi ng ginang.
Habang tuloy-tuloy pa ang pagsiside comment ng ginang ay napatingin naman si Daniela kay mama Rose na tila may makahulugan na tingin sa anak at alam na ni Dani kung ano ang ibig ipahiwatig ng ina.
Ng matapos ang interview ay tila nakahinga na ng maayos ang dalaga. Sa lahat ng interviews nya ngayong hapon ay tila ang panghuli ang humugot ng kanyang lakas.
"Grabe talaga yang si Nay Lita no? Dere-deretso sa ratsada." natatawang sabi ni Mother Lou. "Buti natapos din." dagdag pa nito.
"Oo nga po eh." sagot ni Dani.
"Anak, Mother Lou, mag-aalas siete na pala. May pupuntahan pa tayo na meeting sa Shangri-La. Tara na?" sabat naman ni mama Rose.
Na-late ng sampung minuto ang kampo ni Daniela sa meeting nila with the big boss. Pagkapasok nila sa VIP room ay biglang bumilis ang tibok ng puso ng dalaga dahil sa kanyang nakita. Ulo pa lamang ng lalaking nakatalikod ay kilalang kilala na niya kung sino ito. Nagulat na lamang sya ng may biglang yumakap sa kanya.
"Dani!" excited na lumapit at yumakap sa kanya ang isang magandang ginang.
Ng marecognize niya kung sino ito ay napahigpit din ang yakap ni Dani sa ginang.
"Mommy V!"
"How are you hija?" tanong ni mommy V sabay beso sa magkabilang pisngi ng dalaga.
"Okay naman po ako. Namiss ko po kayo." makatotohanang sagot naman ng dalaga.
"I'm glad you're back. Uy! Marsie!Glad to see you again! Hi Mother Lou." pagbati ni Mommy V sa kampo ni Daniela.
Sa likod naman ni Mommy V ay ang lalaking nagpabilis ng tibok ng puso ng dalaga at isa-isa din nitong binati ang kampo ni Daniela.
"Mother Lou, kamusta po? Hello, Mama Rose! Namiss ko po kayo!" masayang pagbati ng lalaki.
Habang binabati ng lalaki ang kampo ng Daniela ay parang slow motion ang nakikita nya. Hindi nya alam kung dahil ito sa sakit ng ulo nya na lalong pinatindi ng malakas na kabog ng dibdib nya.
Matapos bumati ang lalaki sa mga ginang ay humarap na ito sa kanya.
"Long time no see, Dani." sambit nito.
"Hi...Steven." titig na bati naman ni Dani.
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfic"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...