Chapter 19: Thoughts

401 23 5
                                    


It was 7pm when Daniela got home. She's just right on time for dinner pero she excused herself since masakit talaga ulo nya. She just wanted to take a quick shower and go to bed.

She flopped herself on her bed and hugged her fluffy pillow.

She reached for the remote na nasa bedside table. Pagka-on ng TV, bumungad sa kanya ang isang balitang hindi nya alam kung ikakatuwa nya.

"Hala, nakabalik na pala si Charlie."

Nagulat naman si Dani ng biglang nagsalita ang ate Neri nya.

"Nakakagulat ka naman ate. Kanina ka pa dyan?"

"Hindi naman masyado. Masyado ka lang focused sa news kaya di mo ko napansin." Paliwanag nito.

Hindi pa natatapos ang balita ay pinatay na ni Daniela ang TV.

"O, bat mo inoff?" Nakasimangot na tanong ng ate nya.

"Eh, hindi naman ako interesado ate." Sabay higa nito saka pumikit.

"Matutulog ka na talaga? Wala man lang kwento? Nag-effort pa kong akyatin ka sa kwarto mo." Nangongonsensyang sabi ni Neri.

"Bukas nalang ate. Masakit talaga ulo ko." Sagot nito habang nakapikit pa din.

"Hey..." umupo ito sa tabi ni Dani.

"Hmm..." Tanging tugon nito.

"Alam mo bang nakauwi na si Charlie?"

She opened her left eye at kumunot na binalingan ng tingin ang ate nya.

"Hindi ko alam at hindi na ko interesado, ate. Matagal ng tapos yung sa amin ni Charlie." Masungit na sagot nito.

"Sis! Alam ko masakit lang ulo mo pero bakit mukhang mainit din?" Dinampi pa nito ang kanyang palad sa noo ni Daniela.

"Ate naman kase, ang kulit eh. Whatever we HAD ay matagal ng tapos. Alam mo naman yon, di ba?" Mariing sagot ng dalaga.

"Ang gulo naman kase sis. Di ba patay na patay ka dun before pa dumating si Steven? Then biglang nawala. Tas dumating si Steven. Then bumalik yon. Then si Steven naman nawala. Tapos biglang nawala ulit si Charlie. Ano na sis?" Litanya ni Neri.

Napangisi si Daniela at bumuntong hininga. "Nakakarma yata ako." Sabay tingin nito sa kisame.

"Siguro nga..." Sangayon naman ni Neri.

"Kasalanan ko to eh.  Kung sanang di ako papalit-palit ng isip. Ang linaw na nga, nasa harapan ko na, di ko pa napansin..." malungkot na sabi ni Dani.

"...but you did your part." Neri interject.

"Kaya lang late na. I missed my chance to make things right." Now teary eyed, she looked at her sister.

"Malay mo, pwede pa?" Neri encouraged.

"Hindi na. May Tanya na sya--at mukhang masaya naman sya. He deserves to be happy." Pinilit nyang ngumiti pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata.

Pareho silang napabuntong hininga at natahimik.

"Dito ka nalang magsleep." Pabeybing sabi ni Daniela.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon