Chapter 28: You're Mine

1K 29 19
                                    

Steven's POV

"Gutom ako, Steven."

Naguluhan ako kung bakit yun ang sinabi ni Dani matapos nya akong halikan ng biglaan.

Pinagmasdan ko ang mukha nya at kita kong literal na gutom ito kaya natawa ako.

"Gutom ka pala e bakit labi ko naman kinain mo?" Sumimangot ito at tinampa ang dibdib ko.

"Ewan ko sayo." Pagmamaktol nya at tinalikuran ako at tumungo sya sa kusina.

Nakita kong may kinuha itong bowl at saka dumeretso sa sala at nagumpisang kumain.

Gutom nga.

Napailing naman ako na natatawa habang di makapaniwalang hinalikan nya talaga ako. Siya pa talaga ang nauna. Hindi ko inexpect yon. Pero labis naman ang tuwa ko ngayon kaya napahawak ako sa labi ko.


"Tatayo ka lang ba dyan?" May inis na tanong niya sa akin kaya naglakad na ko papalapit sa kanya.

Meron ba sya ngayon?


"Bakit yan lang kinakain mo? Mabubusog ka ba dyan?"

Hindi nya ako pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Kaya hinintay ko lang syang matapos. Mabilis naman nya yong naubos.


Nang makita kong ubos na yon ay kinuha ko ito mula sa kamay nya at nilapag sa lamesa sa harapan namin.

Nakatayo pa rin ako sa harapan nya at nakakunot noo ito pero hindi sya nakatingin sa akin.

"Halika nga dito." I took her hands and made her stand. Saka ko siya niyakap ng mahigpit. Ang lambot nya talaga.


I felt her hands on my back. Nakasumpong talaga to pag minsan e. Nagsusungit pero mabilis naman mapaamo kapag nilambing na.

"Namiss mo ko." I stated coz dahil ramdam ko yon.

Naramdaman ko ang pagtango nya bilang tugon.

Alam ko namang hindi okay sa kanya na sinamahan ko si Tanya kanina. Pero hindi nya ko pinigilan dahil naiintindihan nya yung ginawa ko. Napaka-understanding talaga nito kahit nagsusungit.

"Buti andito ka?" Tanong nito habang nasa dibdib ko ang ulo nya.


"Namiss din kasi kita eh." Pag-amin ko.


"Sorry." mahinang banggit nya at tumingala ito sa akin.

Bakit ganito sya makatingin? Mukha syang nakokonsensya. Hindi naman big deal yung kanina.


"Para saan?"


Bumuntong hininga sya bago nagsalita. "Kase bigla kitang sinungitan kani-kanina lang." Parang bata nyang sabi.

Napangiti naman ako kaya hinalikan ko ang noo nya.


"Ikaw talaga. Sanay na ako." At niyakap ko na sya uli ng mahigpit.


"Yun na nga eh. Pero hindi ka ba nagsasawa o naiinis sa akin?" may kung anong pangamba akong nararamdaman sa boses nya.


I held her face and looked at her lovingly saka umiiling. "Hindi ko yon pagsasawaan. Lahat ng kung ano ka, tanggap ko." Dahil sobra kitang mahal. Gusto kong idagdag but I chose not to. Not yet.



Lumabi naman ito na parang bata saka ako niyakap ng mas mahigpit.



"Thank you."



Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon