Chapter 18: Unplanned

560 23 11
                                    


Umuwing pagod na pagod si Steven sa kanyang condo. This day definitely was something. Una, hindi nya inexpect ang surprise visit at balita ni Tanya sa kanya. Pangalawa ay ang ginawa nya in front of Daniela and Sara at panghuli, ang naging paguusap nila ni Daniela kanina sa tent.

Earlier this morning...

Maagang nagising si Steven para pumunta sa set. Naisipan nyang bumili ng kape along his way. Habang nasa harap ng kahera naalala nya ang rason kung bakit maganda ang gising nya--si Daniela. Kaya naisipan nyang bilhan si Daniela habang nagoorder ng kape. Paborito ng dalaga ang Dark Mocha with a shot of espresso. Tanda pa nya ito dahil ito ang malimit na orderin ng dalaga sa tuwing magkasama sila.

"Miss, isa pa nga pala. One Venti Dark Mocha with a shot of espresso. Palagyan ko na din ng konting cream. Salamat."

"Sir, hot or cold?" Tanong ng kahera.

"Hot, miss." Tugon nito.

'Magugustuhan to ni Daniela.' Bulong nito sa sarili.

"Here's your change sir. Pa-wait nalang po sa side." Nakangiting sabi ng kahera na mukhang kinikilig pa.

"Thank you." Nakangiting sagot naman ni Steven.

Pagkakuha ng kanyang order, biglang tumunog ang kanyang celphone.

"Tol, aga mong tumawag?"

"Nakita mo na ba?" Sagot ng dalaga.

"Ang alin?" Walang idea si Steven kung anong sinasabi ni Tanya.

"Puntahan kita. San ka ngayon?"

"Papuntang set. School ang location namin ngayon."

"He's here." seryosong tugon ni Tanya.

"Who?" Ani Steven na di pa rin mahulaan kung sino ang sinasabi ni Tanya.

"Sino pa, e di yung reason bakit nasira kayo ni ate ghorl." Inis na sagot ni Tanya.

Natahimik naman si Steven sa narinig nya.

"Huy, okay ka lang Tebong?" Nagaalalang tanong ni Tanya.

"Sus, oo naman. Yun lang ba?" He lied.

"Totoo ba? Hindi ka affected? Mamatey?" Biro ni Tanya.

"Ano ka ba, Tanya. Antagal na non. E di magsama sila."

"Hindi ako convinced. May nasesense akong bitterness. I know you."

"Wala nga." Steven clarified.

"Hay nako. Denial king ka talaga."

"O sige na, I have to go. Lapit na kami." Paalam nito.

"One more thing pa pala--" pakli ni Tanya.

"Ano?"

"Ahhhmmm... I have to say this in person and it can't wait. Puntahan nalang kita sa set."

"Ha? Ganun ba yon ka-serious at hindi mo pwedeng sabihin over the phone?"

"Yes. Very. Serious."

"Siguro miss mo lang ako no?" Natatawang sabi ni Steven.

"Assuming to! O sya, I'll see you in few minutes. I'm on the road right now at malapit lang sa location nyo."

"Okay. Ingat, tol."

"Ikaw din. Bye."

"Bye."

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon