Daniela's POV
Matapos ang guesting namin ni Steven sa radio station ay naging trending ang #DanVenForReal sa social media. Nalaman lang namin ito kinagabihan ng tawagan ako ni Sara para icheck ang aking account habang pauwi kami ni Steven. Siya na kasi ang naghatid sa akin sa condo.
Wala pa mang direktang aminan pero sabog na pareho ang notifications namin ni Steven sa dami ng mga ito. Halos positive naman ang mga nabasa naming tweets ngunit meron paring iilan na hindi at patuloy akong iniintriga kay Charlie. Katulad ng dati, hindi nalang namin pinansin ni Steven ang mga yon dahil wala namang katotohanan ang mga sinasabi ng iba. Ang mahalaga ay ang opinyon namin ni Steven sa isa't-isa.
Kinaumagahan, tumawag sa akin si Mother Lou upang iremind ako sa guesting namin mamaya ni Steven. Para na rin yon sa promotion ng aming serye. Sa kabutihang palad, laging mataas ang ratings nito simula ng umere sa TV. Labis naman ang tuwa namin at ng buong staff dahil sa tagumpay nito.
Habang abala ako sa pagpili ng susuotin para mamaya ay biglang tumawag si Steven.
"Hello, My Love! Aga mo yatang nagising?" Bungad ko.
"Nakatulog ako ng maaga kagabi e." Ani nya.
"Ah kaya pala hindi ka na sumagot sa text ko."
"Nakita ko nga eh. Pasensya na ha?"
"Naku, okay lang yon. Nakatulog ka ba ng maayos?"
"Oo naman. Ang ganda nga ng panaginip ko eh." Masayang sagot nito.
"Ano namang napanaginipan mo?"
"Secret..." Nakakalokong sabi nito.
"Sus, o sige na. Kung hindi mo sasabihin, ibababa ko na to. Busy pa ko." Kunwaring tampo ko.
"Ay ganon? O sige." Sabi naman nito. Ngunit nahimigan kong dismayado sya sa sinabi ko.
"Eh, bakit ka nga kasi napatawag?" Nagpasya akong pahabain pa ng kaunti ang usapan namin. Inilagay ko nalang ang aking celphone sa table at pinress ang loudspeaker on para patuloy ko pa rin syang makausap habang abala ako sa pagpili ng damit.
"Aww... ayaw mo na ba akong kausap, My Love?"
"Anong nangyayari sayo ha? Parang ang clingy mo lately?" Natatawang sagot ko.
Narinig kong natawa din ito bago sumagot. "Ewan ko ba. Parang minu-minuto namimiss kita. Pati kaninang paggising ko ikaw agad naisip ko."
Napangiti ako ng sobra at aaminin kong kinilig ako sa sinabi nito. Mabuti nalang at hindi nya nakikita ang pamumula ng aking pisngi. Para akong sira ulong napapakagat sa aking labi para pigilan ang labis na pagngiti.
"Ikaw talaga, ang landi landi mo."
"Sayo lang naman ako ganito ah. Bakit ayaw mo ba?"
"Okay na yan kesa kanino ka pa lumandi. Naku, subukan mo lang gawin yan sa iba!" Kunwaring banta ko. Pero sa totoo lang ay kampante naman akong sa akin lang sya ganito.
"Hindi, uy! I'll never do that. Ang totoo nyan, tumawag ako kasi napanaginipan kita. We're both wearing blue and I thought why don't we match later. Let's wear something blue. What do say, My Love?"
"Blue?" Kaagad ko namang hinawi ang mga dresses sa closet upang humanap ng something blue. "Oh! Okay, eto, I found one. Sige let's wear blue later."
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfiction"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...