Chapter 27: Hi

413 21 17
                                    

Daniela's POV

Araw ng linggo ngayon at pagmulat ko ng mata ay napasimangot na nga ako. Naalala ko kasing ngayon sasamahan ni Steven yung kaibigan nyang si Tanya.


I really don't like the idea na sya ang makakasama nya ngayong araw kaya hindi namin magagawa ang Sunday routine namin.


Walang gana akong tumayo para magprepare. Magsisimba akong mag-isa ngayon at baka umuwi na rin muna mamaya sa bahay to spend my Sunday with my family.



Wala silang kaalam-alam na nagkakamabutihang muli kami ni Steven. Tanging driver ko at driver lang yata ni Steven ang nakakaalam. Kahit sa trabaho kase ay discreet lang kami ni Steven though I know nakakahalata na sila. Lalo na si Sara at Nay Marya. Buti nalang ay hanggang tingin at pang-aasar lang sila. Baka nahihiyang magtanong sa amin ni Steven kung ano nga bang nangyayari.



Ano nga bang nangyayari sa amin ni Steven? Come to think of it, wala na naman kaming matinong label. As in wala this time. He's not even asking and ayoko din magtanong. Sya dapat mauna no. Basta ang alam ko lang, masayang masaya ako tuwing magkasama kami. Nakakaexcite yung thought na biglang may yayakap sayo when no one is watching at ibang kilig yung feeling ko sa tuwing nagtatama ang mga mata naman giving each other a knowing look. Isama mo pa yung napakagwapo nyang ngiti sa tuwing nakatingin sa akin. I also like it whenever he would kiss my hand whenever he's holding it. The way he brushes my hair with his fingers whenever I'm in his embrace. Samahan mo pa ng halik sa ulo, noo at tungki ng ilong ko. Pero hanggang dun lang sya. He never goes further.



Hindi naman ako atat. I know him. He likes taking his time but sometimes the anticipation is killing me. Konti nalang ako ng ang susunggab sa kanya. Pero syempre hindi ko gagawin yon. Babae pa rin ako no. Pero hindi ko rin masabi. Charot!


Naiiling ako na natatawa sa mga pinagiisip ko. Epekto siguro to ng absence nya ngayon. Miss ko na nga sya.



I just finished showering at napatingin ako sa salamin at napangiwi ng makita ko ang aking repleksyon. I look so gloomy.



"Hay Dani. Anlala yata ng tama mo kay Steven ngayon?" After sighing, nagbihis na ako.



I was about to put my lipstick on ng biglang may narinig akong nagdoorbell.



Sino naman kayo yon? Tanong ko sa sarili.




I finished putting my lipstick on saka ko lumabas ng kwarto para icheck yung nagdoorbell.




Pagbukas ko ng pinto, laking gulat ko sa nakita ko sa labas ng pinto.




"Hi." Sabi nito.





"Charlie?" Gulat kong sabi.




"A-anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko na may halong kaba.




"Just paying you a visit. May I come in?" Nakangiting sabi nito. Litaw na litaw ang dimples nya.




"Ahh...eh..."




Come on Dani, don't let him in. Sabi ng aking konsensya.




"Uhm, Charlie, paalis kasi ako. Baka ma-late ako sa pupuntahan ko eh." Pagdadahilan ko dito na ikinawala ng ngiti nya.




"Ah... ganun ba? I was hoping pa naman to catch up with you." Disappointment is evident on his face pero wala akong pake. Hindi ko sya pwedeng papasukin.





Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon