Chapter 17: Confusing

393 24 8
                                    


Today is supposed to be a good day. Ang ganda ng tulog at gising nya. She had her morning coffee at walang traffic nung bumyahe sya. Pero eto ngayon si Daniela, currently shooting her scene with Steven pero hindi nya maibigay ng maayos ang emosyon na kailangan sa eksena nila.

"Dani, hija, may problema ba? Mukha kang iritable sa screen. Dapat kinikilig ka dyan dahil napansin ka na ni Vince (name ng character ni Steven)." Director Tom complained.

"Sorry direk. Last na po ito. Pramis!" Tugon ni Dani. Bakas na talaga sa mukha nito na iritable sya. Pang-sampung take na sila sa eksena nila ni Steven pero hindi pa rin nya magawa ng maayos.

Napakasimple ng eksena. Lalapitan sya ni Vince sa kinauupuan nya sa library at popormahan sya nito. All she has to do ay magmukhang kinikilig at ngingitian ng matamis ang binata. Pero? Hindi nya magawa. Ang dahilan? Napakasimple. Nasira ang araw nya ng dahil mismo sa kaeksena nya.

"Dani, kanina pa tayo ulit-ulit. Ayusin mo naman." Complain ni Steven.

At talagang sasabihan mo ko ng ganyan? Gago to ah. Parang hindi mo alam na ikaw ang dahilan kung bakit nasira mood ko. Kurotin ko kaya kamay mo dyan? Bulong ni Dani sa sarili na gusto nyang sabihin ng malakas pero hindi pwede dahil nasa trabaho sila. Bagkus, inirapan lang nya ang binata at dun na nakumpirma ni Steven na galit at wala talaga sa mood ang dalaga. Ganito kasi si Daniela kapag wala sa mood--imiikot ang mata.

Gutom na siguro to. Bulong naman ni Steven sa sarili.

"Okay, camera rolling in 3,2,1. Action!" Sigaw ng direktor.

Eksena nina Vince (Steven) at Sam (Daniela)

Napansin ni Vince na mag-isa lang si Sam na naglalakad papuntang library. Sinundan nya ito. Nakita nyang naghahanap ng mauupuan si Sam. Nang umupo na ang dalaga ay inilabas nito ang kanyang libro. Mula sa kinatataguan ni Vince ay humugot ito ng libro mula sa shelf. Umarte ito na naghahanap ng mauupuan at dumaan ng dalawang beses sa harap ni Sam para mapansin sya ng dalaga.

"Sam?"

"Uy, Vince!"

"May kasama ka?"

"Wala."

"Ayos! Pwede bang makishare? Kanina pa kasi ako naghahanap, nandyan ka lang pala."

"Huh?"

Matatawa si Sam dahil parang double meaning sa kanya yung huling sinabi ni Vince at sinamahan pa ng makahulugang pagngiti ni Vince.

"May I?"

"Sure. Wala naman akong hinihintay na darating."

"So, ako lang talaga?" (Double meaning ulit.)

"Ang alin?"

"Ah...eh...ang maswerteng makakaupo sa harap ng napakagandang babaeng tulad mo."

Sasabayan ni Vince ng ngiting kita ang pearly white teeth nya.

"Tama na nga yan. Umupo ka na. Saka bawal maingay. Mapapagalitan tayo." Suway ni Sam.

Uupo si Vince sa harapan ni Sam at after a while ay hahawakan nya ang kamay ni Sam. Magugulat si Sam at mapapatingin sa binata.

"Bakit, Vince?"

Kailangan mukha syang kinikilig habang kawak ni Vince ang kamay nya at nakatitig dito. (Utos ni direk na di nya magawa ng maayos dahil ayaw nyang pahawak kay Steven. Kanina pa sya nanggigigil sa binata at gusto na nyang kurotin.)

"Titignan ko sana kung anong oras na kaso anlambot pala ng kamay mo--parang ayoko ng bitawan."

Magtititigan sila hanggang sa hindi nila naririnig ang sigaw ni Direk Tom na "cut".

"And...cut!" Sigaw ng direktor.

Pagkarinig nito ay mabilis na kinuha ni Dani ang kanyang kamay mula kay Steven at nakahinga ng maluwag. Sa tingin nya ay nairaos na nya ang eksenang hinihingi sa kanya. Sobrang pilit nyang ginawang natural ang expression ng kanyang mukha upang maibigay ang gusto ni Direk Tom kaya naman pagkatapos ng eksena ay tinanong nya agad ang direktor.

"Okay na po ba sa inyo yon Direk?"

"Yes, Dani. Kung kanina mo pa ginawa yon e di sana mabilis tayong natapos. Are you not feeling well, hija?"

"Medyo po, Direk. Kanina pa po masakit ulo ko. Sorry po sa delay." Dani explained.

"Okay lang. Pack up na din naman. That's all we need to shoot with you kaya pwede ka ng maunang umuwi."

"Talaga po? Thank you, direk."

And with that, dumeretso na si Dani sa tent upang ayusin mga gamit nya. Tinawagan na din nito ang driver nya na sunduin na sya.

Ang hindi nya alam, narinig pala ni Steven ang usapan nila ng direktor at nagalala ito ng sabihin ng dalaga na masama ang pakiramdam nya. Pagkaalis ni Daniela ay sinundan pala sya ni Steven sa tent.

"Uuwi ka na?" Tanong ng binata na ikinagulat naman ni Dani dahil di nya namalayang nakapasok na pala ito sa tent.

"Ah...Oo." Matipid nyang sagot.

"Okay ka lang ba? Sinisikmura ka ba o gutom ka na?" Panguusisa ni Steven.

Pakialam ba nito? Sagot ni Dani sarili pero tinignan lang nya ito at napangisi.

"Concern ka ba, Steven?" Usisa ni Dani.

"Tinatanong ko lang. May masama ba doon?" Napataas ang tono ni Steven pagkasabi nito at ikinagulat ito ni Dani pati sya.

"Bakit parang galit ka? Ang sa akin lang naman, baka magalit yung 'special friend' mo pag nalaman nyang nagpapakita ka ng concern sa ibang babae."

"Hindi ba ko pwedeng maging concern sa katrabaho ko?" Depensa ni Steven.

Parang nagpantig ang tenga ni Dani ng gamitin ni Steven ang salitang 'katrabaho'. Para syang nasampal ng katotohanang yun nalang sya ngayon sa kanya.

Tumigil ito sa pagaayos ng kanyang gamit at hinarap si Steven.

"Akala ko ba nagtatanong ka lang. Bakit ngayon concern ka na?"

Tinitigan nya sa mata si Steven para hintayin ang isasagot nito at ng hindi nagsalita ang binata ay nagpatuloy sya sa pagsasalita.

"Kailan ka pa naging ganyan? Ganyan ka din ba dati at hindi ko lang alam."
Tumigil ito sandali para basahin ang mga mata ni Steven dahil di pa rin ito nagsasalita.

"Don't be like that. Tanya won't appreciate it. Any girl will not like what you're doing right now. Alam ba nya kung sino ako sa buhay mo noon?"

"Hindi madumi mag-isip si Tanya." depensa ni Steven.

"Good. Now, don't confuse me anymore."

Pagkasabi nito'y mabilis na binitbit ni Daniela ang mga gamit nya at pumunta sa parking lot.

Samantalang si Steven ay naiwan sa tent at napahilamos na lamang sa kanyang mukha.

Napailing nalang ito ng mapagtanto nya ang mga ikinilos nya mula kaninang tanghali ng makita nyang nasa labas ng tent si Daniela at kasama nya si Tanya sa loob ng tent.

"Gago ka, Steven. Anong ginagawa mo?" Galit na tanong nito sa sarili.

************************************

Hello my fellow RitKen faneys!

Nakasulat ulit ako. Hooray! Haha
I hope nagustuhan nyo to. It's time to ramble na mga kapatid kaya tutok lang.

Salamat for waiting! (Wow, conyo?)

Hopefully, I could write again later tonight.

Thanks for reading. 😊

💙,

Erza Mavis

P.S. Inumaga nanaman ako ng tulog but it's okay. 😁


Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon