Chapter 8: Great Friend

502 22 11
                                    


"Stevie, bagay ko ba tong suot ko?" sabay ikot ni Daniela para makita ni Steven ang kabuuan ng suot nya.

Ngumiti ito at lumapit sa dalaga. "Patingin nga." saka nito hinarap si Daniela sa salamin habang sya naman ay nasa likod ng dalaga. Pagkaharap ng dalaga sa salamin ay sya namang pagyakap nito kay Dani while he rested his chin on her right shoulder.

"Mmm...mas bagay tayo." he said while swaying her with him.

"Ikaw talaga! Bumanat ka nanaman!" sabay tapik nito sa braso ng binata na nakapalupot sa kanya.

"Totoo naman. Tignan mo sa salamin o." sabay turo pa sa reflection nila on the mirror.

At tumingin naman sa salamin si Daniela. Inside her, she thought na bagay na bagay nga sila ni Steven. But she doesn't want to say it out loud. Napabungisngis lamang ito showing her gummy smile at halos mawala na ang kanyang mga mata sa sobrang paniningkit ng mga to.

When she didn't respond, hinarap sya ni Steven sa kanya and held her face gently.

"Dani."

"Hmm?"

"Mahal kita. Alam mo yan."

Tumango lamang ang dalaga. She didn't respond but her eyes told him that she also feels the same. He's about to kiss her but he controlled himself so he just put a loving kiss on her forehead which made her embrace him lovingly. After the warm embrace they shared ay nagtitigan lang ang dalawa habang magkadikit ang kanilang mga noo with sweet smiles on both their lips.

(end of flashback)

Steven just sighed on the memory that played on his mind while driving his way to Tagaytay to see his friend--si Tan.

He met Tan almost two years ago. Hindi nya inakala na magiging close nya ito dahil nung una silang magkasama sa set ay para silang aso't pusa. Hindi nya alam kung bakit lagi syang sinisimangutan nito at hindi masyadong kinakausap during breaktime. Eventually, he learned that Tan is not comfortable with guys like him na mabait at sweet sa lahat. May experience kasi ito dati na pinakitaan sya ng ganun at umasa sya that there's something going on between her and the guy. When she found out na wala lang pala yon, she became bitter and acted the way she did with any male na makasama nya na may pagkakapareho sa lalaking nagpaasa sa kanya.

Tan, famously known as Tanya Mendoza is a celebrity like him. Nagumpisa sya bilang commercial model and eventually she tried to audition for a role sa isang movie na pinagsamahan nila ni Steven.

Since then, they became close at halos kapatid na ang naging turing ni Steven sa kanya since wala syang kapatid na babae and she's very sensible pag kausap sya ni Steven.

A year ago, nalink si Steven sa kanya dahil sa closeness nila but they both know na walang malisya ang closeness nila and the rumor eventually died out. Wala naman talagang namamagitan sa kanila kaya hindi rin sila naging apektado ng chismis sa kanila. They continued being friends and this is the reason why Steven is on his way to meet her kahit nasa Tagaytay ito ngayon. Siya lang kasi ang tanging nakakausap nya ng matino when it comes to his issues with his ex na hanggang ngayon ay hindi alam ni Tan kung sino ito.

Ng makarating na si Steven sa location ay tinawagan niya ito para ipaalam na nanduon na sya.

"Hello. Tol, andito na ko. Tapos ka na?" bungad nito.

"Yup. Kakatapos lang 10mins ago. I'm just packing. San kita pupuntahan?" sagot ni Tan while still fixing her things.

"Nandito sa parking area."

"Labas ka kaya muna? Tulungan mo ko dito magbuhat. Medyo marami eh. Di kakayanin buhatin ng P.A. ko. Hehe" request nito.

"Ano ba yan, sinundo ka na nga ngayon naman papagbuhatin mo pa ko. Masyado ka ng sinuswerte sa akin ah? May driver ka na nga may kargador ka pa?" reklamo ni Steven pero alam naman ni Tan na di naman ito seryoso sa pagrereklamo nito.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon