Chapter 21: Puzzled

355 23 8
                                    


Steven's POV

Dalawang linggo na rin mula ng umpisahan ko ang balak ko. Araw-araw ay unti-unti akong gumagawa ng paraan para mapalapit muli sa kanya.

Yes, I've decided to win her back.

Two week ago, naisip ko na baka may chance pa kaming dalawa na maibalik kung ano man ang nawala. I've been stubborn in the past at narealize ko na baka isang factor yon kaya tuluyan na din syang nawala sa akin. Hindi madali pero mas nangingibabaw ang nararamdaman ko para sa kanya kesa sa pride ko. At ngayon na pinagtagpo ulit kami ng tadhana, hindi ko to sasayangin.

Nasa coffee shop ako ngayon para mag take out ng morning coffee ko pati na rin sa kanya. I started bringing her the foods she likes at kasama na dun yung favorite drinks nya. I can see na nagugulat sya til now sa mga ginagawa ko. Alam kong napapansin nya pero binibigyan ko din yung iba para di masyadong halata.

I love how she smiles at natutuwa akong makita ang mga ngiti nya every time I do simple things for her. Hindi sya mahirap i-please. Si Dani ang tipo ng tao na mas naaappreciate yung simple gestures like this. You don't need to do or give anything grand para maappreciate ka nya and I'm glad she's still the same.

Nang makarating na ko sa set, mga ilang minuto na syang nasa tent.

"Mukhang antok ka pa ah?" Nagulat sya sa biglang pagpasok ko dahil abala sa pagmemake-up ay di nya napansin ang pagdating ko.

"Ginulat mo naman ako! Tumabingi tuloy yung kilay ko o!" Nakakunot nyang sabi habang mabilis na naghanap ng tissue.

Saktong may hawak akong tissue na kasama ng kapeng binili ko sa kanya at ito ang ginamit ko para punasan ang sumablay na makeup.

"Let me see." Nilapag ko ang bitbit ko at saka hinawakan ang kanyang baba. Inangat ko ito at saka pinunasan ang bandang itaas ng kanang kilay nya.

Hindi naman nya ako pinigilan at nakatingin lang sa mukha ko.

"Ayan, wala na!" Masiglang sabi ko.

Matipid syang ngumiti saka nagpasalamat at tinignan ang mukha nya sa salamin.

"Nga pala, here's something to make you fully awake." Inabot ko sa kanya ang paborito nyang kape.

"Wow! May pa-coffee nanaman. Dalawang linggo na yung lamay ah." Natawa naman ako sa biro nya.

"You're welcome." Tanging tugon ko sa biro nya.

"Ikaw ah...Baka masanay ako nyan." Nahihiyang sabi nya.

"Bakit, pwede ka namang masanay ah?" Napatingin naman sya dahil sa sinabi ko. Seryoso din kasi ang pagkakasabi ko nito.

"Naku, naku, naku, naku!" Mabilis nyang tugon. "Wag ka ngang bumabanat ng ganyan!" Sabay tampal sa pisngi ko. Mahina lang naman kaya hindi ako nasaktan.

"Ay ano yan ha? Aga aga humaharot?" Sabat ni Nay Marya ng pumasok ito sa tent.

Bigla naman akong nahiya ng kaunti dahil nahuli nya kaming ganito. Nginitian ko si Nay Marya ngunit ang tingin at ngiti nya sa akin ay may ibang kahulugan. Napansin ko namang parang namula si Daniela. Namula nga ba o dahil lang sa blush on?

"Nadayo lang ako dito para kamustahin kayo." Biglang bawi ni Nay Marya.

Nagtaka naman ako kung anong ibig nitong sabihin. Kasama naman namin sya most of the time sa set.

"Okay naman po kami Nay." Tugon ni Dani.

"Nga pala, Dani. Pwede bang patulong after mong magmakeup? Malelate daw kasi yung makeup artist ko e hindi ako magaling magayos." Paliwanag nito.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon