Daniela's POV
It's been a week since I've received the news about the role being offered to me and until now, I still haven't told Steven yet.
It's not that I don't want to tell him, hindi lang talaga ako makahanap ng right timing. Kung sanang kasing-dali lang to kagaya nung sinabi ko kay Mother Lou, hindi ako mamomroblema ng ganito. Kaso hindi eh. This is Steven.
Ilang buwan pa nga lang kaming officially in a relationship sa public, saka pa to dumating. Bakit naman ganon?
Don't get me wrong. I feel so blessed na yung isa sa mga dream role ko ay inooffer sa akin ngayon. Kaya nga it's a big deal for me. It's a huge priveledge kaya! Kaso lang, ayoko namang umalis ulit at iwan si Steven lalo na't siguradong sigurado na ko na sya lang ang gusto kong makasama til we become grey and old.
"My love?"
"H-ha?" Nagulat ako ng kalabitin ako ni Steven sa kamay. We're currently watching a new movie on Netflix. Nasa magkabilang dulo kami ng sofa at kanina pa pala nya ako pinagmamasdan.
"Are you okay? Nakatingin ka nga sa TV pero parang hindi ka naman nanonood."
He's right. Wala nga sa movie ang atensyon ko. I'm busy with my thoughts. Hindi ko namalayan, tapos na pala yung movie.
"Hey, is something wrong? Pansin ko last Sunday ka pa ganyan." Umayos sya ng upo malapit sa akin.
He has a worried look on his face.
I couldn't hide it anymore. I knew I have to tell him.
Humugot muna ako ng lakas bago ko nasabi ang mga sumunod na mga salita.
"We need to talk."
Pansin kong biglang sumeryoso at parang kinabahan ang mukha ni Steven.
"If you're breaking up with me, please don't." He suddenly said in a serious tone but his face fell at bigla itong napayuko.
"What? No! Ano bang iniisip mo?" Tarantang tanong ko and he couldn't look at me.
Iniisip nya na makikipaghiwalay ako? Oh my gosh! I wouldn't do that!
"Love, hindi. Look at me." I cupped his face and searched for his eyes.
Wala pa man, nagiguilty na ko. Kaya ko ba?
"Hindi ka makikipaghiwalay?" Malungkot pa rin ang mukha nito but his eyes are full of hope.
"No. Never." I told him with conviction at bigla niya akong kinabig para yakapin ng mahigpit.
"Salamat, My Love. Sorry. Parang ang lalim kase ng iniisip mo lately and honestly I'm already overthinking kung ano bang nangyayari sayo. I was scared you'd say na ayaw mo na. Hindi naman kita matanong dahil natatakot ako sa pwede mong sabihin. Kaya naman--"
"Shhh--" I put my index finger on his lips nang kumawala ako sa yakap nya.
"Hindi ako makikipaghiwalay. Okay? I'm not even thinking about that. Kaya kalma lang, pwede?" Sabay haplos sa kanang pisngi nya.
"Talaga?" Naninigurong tanong nya.
"Talaga." Sambit ko na may kasamang tango.
"Promise?" He raised his pinky.
Natawa ko sa ginawa nya para kasing bata but I have to assure him.
"Promise." Sambit ko naman ng tinaas ko din ang hinliliit ko at inangkla sa daliri nya at pinagdikit ang aming mga hinlalaki.
We did the pinky swear to show that we are keeping that as a promise.
"Okay, I believe you. Thank you, My Love. I'm so relieved." At muli nya akong niyakap.
"Pero ano yung parang gumugulo sayo lately? Pansin ko laging malalim iniisip mo e." Nagaalalang tanong pa din nya.
"Steven...ano kase, ah..." Hindi ko madiretso ang sasabihin ko. Parang nagdadalawang isip na ako kung itutuloy ko pa ba.
"Dani, you can tell me." Nakaramdam ako ng assurance sa pagngiti nya. I know I have to tell him.
"Steven...m-may o-offer kase sa akin..." I tentatively said while studying his face. Dinadahan-dahan ko para masigurong di sya mabibigla.
Sandali syang natahimik at hindi ko mabasa kung anong nasa isip nya.
"Saan?" Mahinahon nyang tanong.
"S-sa...New York..." Mahinang sagot ko saka ako napaiwas ng tingin.
Natahimik syang muli kaya kinakabahan na ko. I can't help but bit my lower lip dahil natetense na talaga ako. His silence is making me nervous.
Rinig ko ang buntong hininga nya saka sya umayos ng upo. Hindi na sa akin nakatuon ang tingin nya pagsilip ko sa mukha nya. Pero nakikita ko ngayon sa mukha nya na nag-iisip sya.
"Gaano katagal?" He finally asked pero hindi pa rin sya tumitingin sa akin.
"I-isang taon..." That answer made him look at me.
"Isang taon?" Kunot noong tanong nya. Nahimigan ko ang pagaalinlangan nya at naiintindihan ko kung bakit.
Tango lamang ang nasagot ko. Alam kong nageexpect sya ng karugtong na salita mula sa akin. Pero sa pagkakataong ito, bigla kong naramdaman kung anong dapat kong piliin. Alam kong nababasa na nya sa mga mata ko ang nasa isip ko.
Hinihintay ko syang magreact ngunit bigla itong tumayo. Bigla naman akong nataranta kaya sinundan ko sya.
"Saan ka pupunta?" I followed him sa kwarto. He wore his jacket and took his wallet and car keys.
"I'm sorry, Dani. Kailangan ko munang lumabas at mag-isip."
Hindi ko na sya nagawang sundan dahil alam kong kailangan nyang munang mapag-isa at makapag-isip.
Steven's POV
I took my car keys and went out for a while. I need to clear my head. Ayokong makapagsalita ng hindi tama dahil sa emosyon ko so I decided na lumabas muna. Tingin ko kailangan din ni Dani na mag-isip.
I was surprised by her news. Akala ko magsistay na sya dito sa Pilipinas for good. Sabagay, di pa namin napagusapan ang tungkol sa career nya abroad mula nung makabalik sya. I forgot to ask sa dami ng mga nangyari.
I know gusto nyang umalis ulit. Kita ko sa mga mata nya. She wants to go to New York for that offer.
Kung noon, I willingly let her go to follow her dreams sa London, this time, bigla akong naghesitate and I feel bad that I did. That's her dream! Sino ba naman ako para harangan ang pangarap nya. Kaya lang nabigla talaga ako. Sobrang unexpected na yun pala ang bumabagabag sa kanya these past few days.
Well, it's a relief na yun lang pala. Pero nakakabahala pa rin. Isang taon yon! Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon at ayoko ng maulit yung dati.
Sa mga ganitong pagkakataon, kailangan ko ng matinong makakausap para makapagdecide din na matino. I can only rely on one person at times like this. I know Dani will be mad, but I have to talk to a friend right now.
"Hello, tol. Nasaan ka. Meet me at the cafe please." With that, I hang up. I know she'll come.
Tanya will come.
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfiction"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...