Steven's POV
Lumipas ang halos tatlong linggo at sa bawat araw na lumilipas ay unti-unti rin kaming napapalapit ni Dani sa isa't-isa. Hindi ko akalain na mababalik namin yung closeness namin dati. Kahit hindi pa "totally" nababalik ay masaya ako sa bawat progress na nangyayari. I look forward to each day na nakakasama ko sya sa trabaho, some mall shows and guestings sa pagpromote pa rin ng show and mostly pag kaming dalawa lang.
Tama nga siguro ang desisyon ko na sumubok muli. Nagulat din ako na hindi naman pala mahirap ibalik. I thought Dani will not accept me anymore.
Ang totoo nyan ay kinabahan ako ng malaman kong nagbalik na si Charlie. Aaminin ko, threatened ako sa kanya at hindi pa rin ako lubusang mapapanatag kahit close na ulit kami ni Dani. Something tells me na hindi pa rin tapos ang laban sa pagitan namin ng lalaking yon.
Pero hindi ko hahayaan na maulit muli ang nakaraan. Hindi na ko uurong sa laban kahit hindi ako sigurado na ako ang pipiliin ni Dani. Ipaglalaban ko sya hanggang sya na mismo ang magsabi sa akin na tumigil na.
Daniela's POV
Steven has been really sweet these past few weeks. Nakakapanibago pero everything feels familiar. Hindi ko mapaliwanag yung pakiramdam na alam mong ganun naman kayo dati pero mas masaya sa pakiramdam ngayon. Parang bagong luma. Does that make sense? Hindi ko na rin alam. Basta ang alam ko, kakaibang saya ang nararamdaman ko mula ng maging okay kami ulit.
Pigil nga lang sa trabaho. We would steal glances at each other during taping at parehong natatawa nalang pag nagkakahulihan. Madalas din nya akong dalhan ng pagkain at minsan ay lumalabas kami after taping and four Sundays na kaming nakakapagsimba together.
Alam kong napapansin na din ng mga co-actors namin kung ano man tong namumuong something sa pagitan namin ni Steven. Pero it's still early para magkwento. Kahit sa kanya kanyang pamilya namin ay wala pa kaming kinukwento.
Personally, I want this to be just between us muna. Mahirap na, baka maunsyami.
Si Lord lang ang tanging may alam kung anong meron sa amin ni Steven ngayon at sapat na yon.
Nabalik naman ako sa kasalukuyan ng maramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Huy! Baks, bingi lang? Kanina pa kita tinatawag parang wala ka naman sa Earth. Pangiti-ngiti ka pa dyan. Ano ba yang iniisip mo? Mukhang iba eh."
"Ay, sorry, baks. Ano nga ba yon?" Tanong ko kay Sara na kanina pa pala ako tinatawag.
"Sabi ko, tawag na tayo ni Direk Tom. After five minutes daw pero mukhang 2 minutes nalang kaya tayo ka na dyan."
Habang patayo na ko ay nagpatuloy ito sa pagsasalita.
"Ang weird mo lately, Dani. Pwede naman natin pagusapan ng hindi na ko maweirduhan sayo."
"Huh? Wala no! Anong weird ka dyan?" depensa ko.
"Naku, Daniela de Guzman! Kilala kita! Yung mga ganyan mo na nagsispace out ka, sure ako may something." Patuloy nito.
"Wala nga! Lagi naman akong nagiisip. Anong bago dun?"
"Iba kase eh. Siguro si ano yung iniisip mo no? Kala mo di ko napapansin yung mga nakaw tingin nyo?" pang-aasar nito.
"Sinong 'ano' naman?" Patay malisyang tanong ko.
"E di sino pa? Si Steven! Muling ibalik na ba?" Pataas taas pa kilay nito habang patuloy sa panguusisa. Nilapit pa nito ang mukha nya para tingnan ako ng diretso sa mata.
BINABASA MO ANG
Love Deferred
Fanfic"Saan ka man mapadpad, asahan mo, pagbalik mo, ako pa rin ang sasambot sayo." That's what he told me three years ago. Three years ago mula ng piliin kong sundan ang mga pangarap ko. Will he still remember what he told me? May babalikan at sasalo pa...