Chapter 39: Torn

326 24 13
                                    

Steven's POV


Dalawang buwan na ang nakalipas nung huli kong nakita si Tanya. Kahit hindi sabihin ni Dani, alam ko kasing hindi nya magugustuhan kung gagawin ko pa rin yung mga dating gawi namin ni Tanya.


Hindi na kami lumalabas para magbike or magfoodtrip gaya ng dati. Gaya nga ng sabi ko, it's been two months already.


Namimiss ko ang best friend ko pero alam kong may posibilidad na magselos ang girlfriend ko. Kaya todo iwas ako kay Tanya ngayon. Higit na mahalaga pa rin naman si Dani para sa akin.



Pero ilang beses na kase syang nag-attempt na imbitahan ako to hangout gaya ng dati pero lagi kong tiniturn down ang mga pag-aya nya.



Mahirap to sa akin. Alam kong naiintindihan ni Tanya ang sitwasyon ko pero hindi naman pwede na lagi nalang ganito. Importante din sya sa akin. Maliban pa doon ay wala namang dapat ikaselos si Dani dahil wala namang namamagitang pang-more than friends sa amin ni Tanya. Hindi naman sya sagabal sa amin ni Dani. If only they could be friends...






"Ang lalim naman ng iniisip mo?" Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likuran ko ang babaeng pinakamamahal ko.



"My Love, nandito ka na pala." Dinampian ako nito ng halik sa labi saka umupo sa tabi ko.



"Anong iniisip mo?" muling tanong nito.



"Wa-wala naman. Iniisip ko lang yung ending ng soap natin." Tinitigan ako nito at alam kong huli nya ang pagsisinungaling ko.




"Sus. Hindi totoo yan. Huwag ako Steven. Dali na. Ano ba yon?" 



Paano ko nga ba sasabihin? Alam ko namang away ang kahahantungan pag sinabi ko. Why is this difficult? Hindi naman ganito dati.




"Fine. Kung ayaw mo, huwag muna." Nagulat ako when she dropped it off. I thought she'll press it more para sabihin ko sa kanya. Instead, tumungo ito sa kitchen.




"Kumain ka na?" Tanong nito mula sa kusina ng condo unit ko.




She'll spend the night here dahil maaga ang call time namin bukas. Last day kase ng shoot at dahil ayokong magdrive sya ng maaga, I just suggested na dito na sya matulog.



This has been normal sa amin mula ng maging kami. It just felt normal to have sleepovers. Pero mas madalas na ako ang pumupunta sa kanya. Lagi ko kasi syang namimiss. Kung pwede nga lang na magsama na kami kaya lang hindi pa sya handa na magpakasal.



Isa pa yon. Ayaw muna nyang magpakasal dahil may mga gusto pa syang gawin. The only difference from our set up before is that our relationship is out in the public now. Actually, she received a call from a musical play director. May inooffer na role sa kanya. Hindi pa namin napag-uusapan at hindi ko alam kung papayag pa ba ako na umalis sya ulit. And I'm not confident enough kung magmamatter ba ang opinyon ko this time. Last time kase ay wala akong nagawa para pigilan sya. Syempre, pangarap nya yon. Ayoko namang pigilan sya. Ngunit dahil sa nangyari sa amin, parang ayoko na syang lumayo ulit. Baka maulit muli ang nakaraan. Mahirap na. I can never tell what will happen in the future but I know it will be more challenging kapag umalis syang muli.




"Love, okay ka lang sa pasta? Mukhang yun lang pinakamabilis kong maluluto dito." Kausap nito sa akin habang hinahanda ang mga gagamitin nito sa pagluluto.





Nilapitan ko sya at yumakap mula sa likuran nya as I rested my chin on her left shoulder.




"O, bakit?" Tumigil ito sandali mula sa ginagawa nya at nilingon ako nito. Nilagay nya ang palad nya sa aking kaliwang pisngi and the other rested on my arm na nakapulupot sa harapan nya.



"You're not okay. Pwede mo na bang sabihin sa akin yan?" Malambing na tanong nito.




"Pagod lang ako. One minute. Magchacharge lang ako." Ani ko and we stayed liked that for a while.



She allowed me to sway her while I'm gathering up my strength. Kapag nakayakap kase ako sa kanya, pumapanatag ang isip ko. Pagod nga ako--ang utak ko. Andami kong naiisip na hindi naman nakakatulong but she's my peace of mind. So how can I let her go if ever she decides to go?







"Okay na?" Tanong nito ng pinakawalan ko ito mula sa yakap ko. Tumango naman ako at humalik sa noo nya.





"Tulungan na kita dyan." Alok ko saka kinuha ang pasta noodles sa lamesa.







Kakausapin ko nalang sya pagkatapos ng trabaho namin. Right now, yun muna ang iisipin ko.












Daniela's POV




I know Steven is not okay. Matapos naming magdinner ay nagpahinga lang ito saglit sa sala. Matapos ang isang oras naming panonood ay nagpaalam na itong mauna sa kwarto kaya alas otso pa lang ay natulog na ito. Hinayaan ko naman dahil mukhang pagod nga sya.






Almost 10pm na ng makaramdam ako ng antok at saka na ako pumasok sa kwarto.





Dahan-dahan lang akong humiga sa tabi nito dahil baka magising ko sya. His back is facing me while he's hugging a pillow.



Makalipas ang ilang minuto ay naramdaman ko itong gumalaw at tuluyan ng yumakap sa akin. Haaayy... Ang hilig talagang yumakap nito pag tulog. Kahit naman pag gising. Pero ang cute lang nya when he's sleeping and hugging me na parang bata. Isiniksik nito ang mukha nya sa leeg ko at idinantay ang kaliwang hita nya sa legs ko. His left arm was also possessively wrapped around my stomach. Para namang may mangunguha sa akin. Kung makayakap kahit tulog, bakod na bakod. Natawa tuloy ako sa posisyon namin.




I adjusted my position at humarap na ako sa kanya. As if he sensed it, he moved his head right above my chest.



Unan lang, Steven?






"Love you, Dani." He murmured in his sleep which made me smile.



Haaayy ang puso ko. Paano kaya kami nito pag tinanggap ko yung offer sa akin sa New York?



Tinawagan lang ako two weeks ago ng isang casting director para sa isang musical play at inaalok sa akin ang lead role. Alam kong para sa akin na talaga yon and all I have to do is to fly and show up there. Idinahilan ko lang ang trabaho ko dito kaya hindi pa ko nagcoconfirm kung tutuloy ako o hindi. Pero ang totoo nyan, nagdadalawang isip ako.



Kaya ko ba ulit iwan si Steven? Iniisip ko palang na hindi ko sya mayayakap ng ganito o makita man lang pag gusto ko, parang anghirap na.



Pero pangarap ko yung role na inooffer sa akin. It will really fulfill my dream as a theater actress pag nagampanan ko yung role na yon.












Bakit nga ba ganito? Anong pipiliin ko, yung pangarap ko o yung taong mahal ko?












*******************************

For some reason, namotivate akong magsulat today. Na-author's block ako for the past months and I really didn't know how to continue this story.




Sa lahat po ng naghihintay pa din sa story na to, thank you so much. I really appreciate you guys.





I hope matapos ko na to. Haha Last 4-5 chapters nalang po. 😊






God bless everyone who are struggling nowadays! Kaya natin yan mga friends! Tiwala lang. 🙏🏻💙






💙,




Erza Mavis






Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon