Chapter 5: Can't Stop

578 24 4
                                    


"S-steven?"

"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Steven.

"Yes." tugon ng dalaga. Ngunit ng pilitin nitong tumayo ay binigo naman siya ng kanyang mga tuhod upang makatayo ng maayos. Mabuti na lamang at di siya binitawan ni Steven at nakaalalay pa rin ito sa kanya.

Dahil walang malapit na upuan ay naisipan na lamang ng binata na buhatin ito. He carried her in bridal style as if she weighs like a pillow. In one swift move ay nabuhat nito ang dalaga effortlessly. 

"Hey! What are you doing?" protesta ni Dani.

"I'll sit you down."

"Bakit sa CR?" Teka lang!"

Napatigil naman si Steven sa pagmamadali. "May nakikita ka bang pwedeng upuan dito? I won't let you sit on the floor kahit naka-carpet pa." paliwanag nito.

Natahimik na lamang ang dalaga dahil alam naman niyang may point ang binata. At tuluyan na ngang iniupo ng binata sa lababo ng CR si Daniela.

"May masakit ba sayo?" sabay dampi ng kamay nito sa noo, leeg at pisngi ng dalaga. "Hala! Nilalagnat ka ah!"

Nakatingin lamang ang dalaga kay Steven habang nanatili ang kamay nito pisngi ni Daniela.

"Ang hilig mo talagang i-exhaust ang sarili mo no?" may inis man sa tono nito ay kitang kita naman ni Daniela sa mga mata nito ang concern ni Steven sa kanya.

Nangiti naman si Daniela sa sinabi nito.

Ng mapansin ito ng binata ay tinanggal na nito ang kanyang kamay na nakalapat sa pisngi ng dalaga.

"Kaya mo na bang tumayo?"

"I-I think so." Pagkasabi ni Dani ay tinulungan sya ni Steven na bumaba mula sa pagkakaupo sa lababo.

Nakakapit naman ang dalaga sa braso ng binata upang ma-steady nya ang sarili.

"Salamat."

Tango lamang ang sagot ng binata.

Hanggang sa makabalik na sila sa private room ay nakaalalay pa rin si Steven sa dalaga. Ng malapit na sila sa pintuan ay hiniling ng dalaga na wag na itong alalayan. Saka lamang inalis ni Steven ang kamay nito na nakaalalay sa bandang bewang at ang isa naman ay sa siko ng dalaga.

"Steven, I can walk on my own na."

"Are you sure?"

"Oo." sagot ng dalaga. Ngunit sa mata ni Steven ay alam nitong hindi pa talaga maayos ang dalaga at pinipilit lang nito ang sarili na kayanin.

Pagbukas nya sa pinto ay napatingin at nagulat si boss Ben na makitang sabay silang pumasok.

"What took you so long, guys?" tanong ni boss Ben.

"Boss, Ben, sir Philip I think Ms. Daniela has to--"

"Shh--" saway ng dalaga kay Steven upang hindi ituloy ang sinasabi nito.

Natigil naman si Steven sa gusto nyang sabihin dahil sa alam nyang pagdating sa trabaho, hindi umuurong ang dalaga kahit masama na ang pakiramdam nito.

"What is it, Steven?" tanong ni Sir Philip na sya namang tingin din sa kanya ng lahat ng tao sa harap ng lamesa.

"Ahh... I think... Ms. Daniela has to... know more of the projects na binanggit nyo po sa akin before she came back." palusot naman ni Steven.

"Ah! Yes! Yun na nga yung sinasabi ko sa mga managers nyo while you're out kanina. Shall we continue?" tanong ni Sir Philip sa lahat.

"Yes, Sir." sagot naman ni boss Ben at syang tango naman ng lahat.

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon