Chapter 13: I See You

431 17 2
                                    


Two weeks passed by ng napakabilis. It's Dani and Steven's first day sa set. Ito din ang araw na muli silang magkikita since the "kiss" happened. They really didn't meet again after that because of their individual busy schedules.

Steven had to shoot some commercials for his endorsements and attended some mall shows bilang raket nya din kumanta paminsan-minsan.

Daniela on the other hand went to some guestings sa mga talk shows bilang pagwelcome muli sa kanya mula ng makauwi ito ng bansa. Naanyayahan din itong mag-guest sa mga different variety shows sa kanyang mother station upang muli syang masilayan ng kanyang mga tagahanga sa telebisyon.

Dahil dito, wala talagang chance ang dalawa na magkitang muli kundi sa unang araw na lamang ng kanilang shooting sa set ng pagsasamahan nilang teleserye.

Unang dumating sa set si Steven at binati naman nito agad ang mga staff pati na ang kanilang direktor na si direk Tom. After greeting them, a staff took him to a tent kung saan ito pwedeng magpahinga muna habang hinihintay ang iba pa nyang co-actors.

Makalipas ang ilang minuto ay sya namang pagdating ni Daniela. Katulad ni Steven ay binati din ng aktres ang mga staff at si direk Tom.

"Daniela, dun ka muna sa tent habang siniset-up pa yung mga ilaw saka ibang equipments para sa shoot." instructions ni direk.

"Ay sige po. Magbabasa nalang muna po ako ulit ng script para magmemorize." nakangiting sabi nito.

"Naku, ikaw pa? Paniguradong kabisado mo na lahat ng lines mo eh." biro ni direk.

"Ay, hindi naman po. Sakto lang direk." natatawang sagot ni Daniela.

With that, the same staff also assisted her to the tent where Steven is.

"Nandyan na po si Steven Chan." she informed her.

"H-huh? Talaga?" gulat na tanong ni Daniela.

Nakangiting tumango lamang ang staff at bumalik na ito sa trabaho.

Kinakabahan namang nanatili ng ilang segundo si Daniela sa labas ng tent habang kinocompose ang sarili.

Pagpasok nito sa tent ay nadatnan nyang nakaupo si Steven sa isang silya, his back facing her.

"Ang aga mo naman!" she said cheerfully which immediately caught his attention.

Paglingon nito ay kita ni Daniela ang gulat sa mukha ni Steven na unti-unti namang napalitan ng ngiti habang nakafocus ang tingin nito sa kanya.

"Uy! You're here." nakangiting sambit ni Steven.

Isang matamis naman na ngiti ang iginanti ng dalaga. Sa kanyang di inaasahan ay lumapit si Steven upang yakapin sya.

It's just a simple hug but the gesture made her insides flutter. Because of this, yumakap ito pabalik and Steven felt something in him as well. It's just like before. Whenever they hug, something in them feels like they're "at home".

Kumalas sa pagkakayakap ang dalawa ng may marinig silang pumasok sa loob ng tent.

"Ehem! Baka naman pwedeng sumali dyan sa yakapan nyo?" sabat ng bagong dating.

Napalingon ang dalawa at nanlaki ang mga mata.

"Saraaaaaaaaaa!!!" tili ni Daniela at mabilis na lumapit sa dalaga.

"Oh my gosh! Bakla! Long time no see!" Daniela said excitedly.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon