Chapter 32: His Choice

454 26 11
                                    

Steven's POV

The moment I saw Dani's face was when I realized how hurt she must've been from what she saw. Galit at nasaktan ako dahil sa nabalitaan ko kanina pero hindi ko pa din pala kayang tiisin si Daniela ngayong nakita ko kung anong itsura nya kanina.

Kahinaan ko nga talaga ang makita syang nasasaktan. To think na pumunta sya dito, I felt something inside me. Unfortunately, nadatnan nya kaming dalawa ni Tanya na magkayakap.

Hindi na ko magdadalawang isip pa. Alam ko kung anong dapat kong gawin.

"Tanya..." Baling ko sa kanya.

"Go. Habulin mo na sya." Tango nito at nginitian ako to assure me that it's okay to leave her.

With that, I ran for the stairs. Hindi ko na mahihintay pa ang elevator. Baka hindi ko sya maabutan.

Hindi ko alam paano ako nakatakbo ng mabilis without stumbling. Habol hininga akong nasa harap ng elevator habang hinihintay ko itong makababa. Nasa 2nd floor na ito at buti nalang naunahan ko pa.

Pagbukas ng elevator, I saw my Daniela. Her face drenched with her tears. Medyo nakayuko ito at nagpupunas ng luha kaya hindi nya ako kaagad nakita. Maglalakad na sana ito palabas but she was stopped from her movement when I entered and enveloped her in my arms.

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit kong sambit sa kanya saka ko sya paulit-ulit na hinalikan sa ulo. Kaagad naman itong yumakap sa akin pabalik at muling umiyak. Rinig ko ang sakit sa bawat hikbi nito na nagpasikip ng dibdib ko.

When I heard the door closing, I pressed the number leading to my floor at bumalik sa pagkakayakap sa kanya.

"Steven, I--" I stopped her with my finger.

"Mamaya na pagdating natin sa unit ko." Malumanay kong sabi saka pinunasan ang mga luha sa mga mata niya. Napangiti ako ng hindi sya umayaw at tumango sa sinabi ko.

When we reached my floor, wala na si Tanya. Dani looked at me as if asking about her. I pressed her hand I'm holding to assure her to not worry about it.

Pagpasok namin sa loob, I guided her sa sala. When I faced her, nagkasabay kami sa pagsasalita.

"I'm sorry." Pareho naming banggit.

"Allow me first." Sambit ko para pakinggan muna nya ako.

"But--" sabat nya.

"Please..." I pleaded.

"Okay." pag-ayon na nito.

It's now or never so I inhaled deeply to gather strength before speaking. "I'm sorry for what you saw earlier. I swear, that's nothing. Alam mo namang kaibigan ko lang si Tanya...and I'm sorry for...for acting the way I did kanina sa taping. Hindi ko dapat ginawa yon. Pinangunahan nanaman ako ng nararamdaman ko. I'm sorry hindi muna kita tinanong para iconfirm kung ano nga ba yung totoo. I'm sorry dahil sa tuwing nasasaktan ako, I tend to shut you out. I'm sorry dahil dumarating ako sa punto na napangungunahan ako ng galit at sakit na nararamdaman ko...na kahit mahal na mahal kita..." I swallowed to stopped the tears that were about to fall before continuing. "Na kahit sobrang mahal kita, hindi ko maexpress sa paraang gusto ko...at deserve mo...at nahihirapan akong panindigan, at naiinis ako sa sarili ko every time I lose my confidence. Kase..." bali ko at napakagat sa labi ko ng tuluyang tumulo na ang mga luhang matagal ko ng pinipigilan. "...kase natatakot ako na marinig sayo na ayaw mo na sa akin. Natatakot ako na malamang hindi na ako ang pipiliin mo. I know it's wrong to shut you out and to run away when I know I have to confront the situation. But I know na hindi ko kakayanin kapag sayo na mismo nanggaling. I know I'm not good enough pero natatakot ako sa rejection mo kaya mas pinipili kong tumakbo para hindi ako masampal ng katotohanan."

Love DeferredTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon