Umuusok pa ang dulo ng baril ng hipan iyon ni Jaymee bago ilagay sa likod ng suot nyang fitted jeans, at malayang naglakad palapit sa dalawang walang malay sa lupa. Nagsipagdatingan naman ang ibang tauhan ni Mr Sy at nadatnan ang mga ito.
Anong nangyari ? tanong ng isa sa mga ito, hinahabol pa ang paghinga dahil sa ginawang pagkagtakbo.
Gustong itirik ng dalaga ang kanyang mga mata,dahil sa tanong nito subalit minabuti nalang nyang manahimik at tingnan ito ng masama.
Dalhin niyo na sila, ingatan nio si Master.. malamig nyang utos sa mga ito at nagpatiuna nang naglakad sa sasakyan, naroroon narin ang kanang kamay ng Amo, dahil nauna nya itong pinatulog kanina.
Isang malalim na paghinga ang kumawala sa kanya at saka malalim na nag-isip. Bago kinuha ang cellphone nito at mabilis na tumawag.
Ano na ang balita? Mabilis at ramdam ang pag-aalala sa tono ng nasa kabilang linya.
Thanks God, I'm on time... sagot nya at marahang hinilot ang sintido.
Para namang nabunutan ng tinik ang kausap sa narinig.. mabuti naman, I just need more time. Wait for my signal.. mariin na wika nito.
I don't know how long I can manage this.. wala na bang ibang plano.. kababakasan na ng pagamba at pagkainis ang boses ng dalaga.
Just bear with it Jaymee,wala nang ibang plano at second option. Matigas narin ang boses nito, buo na ang pasya sa kanyang mga sinasabi.
Okay..sagot lang nito habang mariing nakapikit ang dalawang mata.
Yeah.. I need to go, bye.. pamamaalam ng kausap at namatay na nga ang tawag, ni hindi na nito nakuhang magpaalam sa lalaki.
**
Malamig na tubig ang gumising sa diwa ni Frea, at marahang idinilat ang kanyang mga mata,inilibot nya ang paningin sa buong paligid at alamin kung nasaan na naman sya.
Buti gising kana... parang naaasar na ang tono ng nagsalita, salubong pa ang kilay ng dalaga nang mapagsino ito.
Nasaan ako,? mabilis na tanong ni Frea habang masama na ang tiningin nit okay Jaymee na may hawak pang maliit na timba, ibinalibag lang nya iyon sa isang sulok bago hinawakan ang kanyang pisngi.
Ano sa palagay mo ? nakakalokong tanong nito kasabay ng isang ngisi,at padahas na binitawan ang pagkakahawak sa kanya.
Inilibot nya ang kanyang paningin sa kabuuan ng lugar, para iyong sina unang gusali ng kastila. Makikita ang liwanag sa itaas sa pagitan ng mga bricks, maging ang bawat pader ay kababakasan ng mga tilansik ng dugo na niluma na ng panahon, ang isang pabilog na butas na akala mo makikita muna ang kailaliman ng lupa ay isang balon pala. At sa kanyang kaliwa ay ang parang maliit na cabinet na yari sa bakal,ganun din ang isang pakudradong kulungan ng kung anong hayop na may mga matutulis na bakal sa loob. At ang ibat'ibang bagay na nakasabit sa taas, isang makapal na kadena, tubo, latigo na yari pa ata sa masinsing tinik na bakal.
Kunot ang kanyang noo.
Anong lugar ang kanyang kinaroroonan?
Iginalaw nya ang kanyang mga kamay, subalit na bigo siya. Noon lamang napansin ang pagkakakadena nito padipa.
Pakawalan mo ko .. malamig na utos ni Frea ay Jaymee.
Bakit ko gagawin yon ? tanong naman nito at naupo sa upuang kahoy paharap sa kanya.
Nag-init ang tenga ni Frea sa sagot nito. Ano nga ba ang aasahan nya sa itinuring na kaibigan subalit ahas din pala.
Oo nga naman.. mapang-uyam na sagot nalang nya dito.
BINABASA MO ANG
RED
ActionHindi nila alam kung sino ako? Hindi ko din alam kung sino mapagkakatiwalaan ko. Isa lang ang alam ko, kakaiba ang lakas ko.