CHAPTER XXXIX

16K 313 29
                                    

 

 

Halos mag-isang guhit din ang kilay ni Josh/J sa narinig at nalaman nya. He knew that Blue is Troy best buddy they treat each other as a brother.

Pinapanuod nya kung paano saktan ni Troy ang sarili nito sa pagsuntok sa sahig na sementado. Dumudugo narin ang kamao nito subalit hindi na iyon pansin ng binata. Hindi akalain na mangyayari iyon sa magkaibigan.

Nanghihina naring napaupo siya dahil sa natamo na namang sakit ng katawan,hindi na nga makikita ang dati nyang puting damit ay pula na ngayun dahil sa sariling patak ng dugo at dumi. Ganun din ang binatang Campos.

 

Bigla nalang tumayo si Troy at seryoso ang mukha nito at puno ng galit ang mata.

Kailangan na nating makaalis dito.. matigas na sabi nito, laylay ang dumudugong kamao, para itong manhid na hindi pinapansin ang pagpatak ng sariling dugo sa sahig.

Nakakaintinding tumango din ni Josh/J .. makikita din ang determinasyon sa mukha nito, ngayung malinaw na sa kanila ang tunay na salirin at utak ng lahat, wala na silang sasantuhing tao. Makalimutan na ang lahat ng pinagsamahan ng kung sino man, maitama lang ang maling ginagawa nila.

 

Makikitang mukha lang mahinahon si Troy habang umupo narin sa kanyang pwesto. Matalim at malalim ang kanyang paghinga na animo naglalaban ang kanyang kalooban sa gagawing desisyon, isinasa-alang-alang nya ang pagkakaibigan nila ng kababata, subalit hindi parin nya mapaniwalaan ang katotohang Ama nito ang nagnanais na patayin siya, maging ang taong humahabol kay Frea.

Ang liit nga lang ng mundo, kung sino pa yung inaakala mong hindi makagagwa nang ganung bagay, sila pa mismo ang gumagawa.

 

Sa lahat ng tao bakit sila pa diba..

 

Xander Sy

 

 kakaiba, parang ang hirap parin paniwalaan subalit totoo ang lahat,

 

 sya na mismo ang umamin..

Naikuyom nito ng madiin ang kanyang kamao dahil sa mga naiisip..nakakabaliw kung tutuusin, ang itinuring mong kapatid ang loloko sayo.. saklap nga naman ng buhay ng tao.

Ipinikit ng binata ang mata nagbabakasakaling maibsan ang nararamdamang galit.. naghintay pa sila ng ilang oras bago isakatuparan ang planong pagtakas.

 

Its time.. tawag pansin sa kanya ni Josh at napatango nalang siya. Sa ilang araw na pagpaplano, nagawa na nilang palihim na bakbakin ang kisame na hindi manlang napansin ng Black Snake na nagbabantay, maging ang ginamit nilang kutsara na minsang naipuslit nila habang binigyan sila ng pagkain. Akalain mo nga naman, kahit anong bagay magagamit mong paraan makatakas kalang.

 

Nauna nang umakyat si Troy habang nakapatong sa balikat ni Josh, at inabot na lamang nya ang kamay sa huli nang ito naman ang aakyat.

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon