XLIII

2.6K 72 15
                                    

Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ni Jaymee.

 

Of all people,I cant believe that you have a guts to betrayed me.. galit na galit na turan ng matandang Sy.

How could you do this..? nanlalaki ang matang tanong pa nito.

Habang ang dalaga naman ay hawak sa magkabilang balikat ng dalawang tauhan nito. Tikom ang bibig, ni walang makikitang pagsisisi sa kanyang mga mata.

You know where to bring that traitor.. mabalasik na utos ng matanda. pagdaka ay tumalikod ito na kuyom ang kamao, mabilis na hinaltak ni Jackal ang dalaga. Napapangiwi ito sa bawat paghakbang ng kanyang paa. Subalit walang katiting na tunog ang maririnig.

Tahimik na dinala siya ng mga tauhan nito sa kinaroroonan ni Frea. Tinaputan ng nagtatanong na tingin ng huli ang bagong dating.

Ang mga lalaki naman ay binuksan ang maliit na cabinet na gawa sa bakal at doon walang salitang isinilid si Jaymee. Hindi maihiwalay ang paningin ng dalagang Martin dito. Nang  makaaalis na ang mga lalaki ay agad na nagtanong si Frea.

 

Anong nangyari..?

Maririnig ang pagbuntong hininga ni Jaymee sa masikip na lugar, halos hindi magkasya ang maliit nyang katayan sa loob. Nagpapahirap iyon sa kanyang paghinga kaya nakatapat ang kanyang mukha sa isang butas na sukat sa ulo ng tao.

 

Mr Sy found out..maya pa ay sagot nito.

 

Ano ang nalaman nya..?  bakas ang kalituhan sa tanong na iyon ni Frea, hindi na nya masundan kung ano ba talaga ang nangyayari.

Nagdalawang isip si Jaymee kung ito na ba ang tamang oras para malaman ni Frea ang lahat. Kailangan ba talaga sa kanya manggaling ang lahat ng iyon. Naglalaban ang kanyang isip sa dapat gawin. Nasa lugar ba siya para magsabi.

 

 Jaymeeee.. pagtawag ni Frea dito.

Marahas na paghinga ang ginawa naman ng dalaga bago muling nagsalita.. wala ako sa posisyon na magsabi ng lahat sayo Frea, pero isa lang ang masisiguro ko sayo. Nasa panig nyo ako, at lahat ay ginagawan ng paraan ng kuya mo para sa kapakanan mo, maging ang mga magulang mo. Mahaba at makahulugang wika nito.

Lalong ikinagulo ng isip ni Frea ang tinuran nito. Salubong na ang kanyang kilay.

 

Anong ibig mong sabihin.? Tanong pa nito, magulo ang isip sa lahat. Anong kinalaman ni kuya? Anong alam ni kuya? Sunod sunod na tanong nya ng sumagi sa isip ang sinabi ng matandang Sy.

He know the secret..

He know the secret..

 

Don’t w-worry soonner y-yyou will found o-out … hirap na hirap sa paghinga na sabi ni Jaymee.

Bakit patatagalin pa kung pwede ko na mang malaman ngayun.. nakarehistro na ang pinaghalo-halong emosyon sa kanya, nangingibabaw ang pagnanais na malaman ang katotohanan.

Sunod-sunod ang ginawang paghinga ng malalim ni Frea para maibsan ang naguguluhang isipan. Ni wala din syang nakuhang sagot sa kausap.

Pilit pinapakalma ang sarili at malalim na nag-iisip..

Si Jaymee naman ay pinili na lamang ding manahimik at habulin ang nahihirapang paghinga dahil sa masikip na lugar.

JAYMEE POV

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon