Malawak na napangisi ang dalaga sa narining na pagkabali ng buto ng lalaking doctor, para iyong napaka gandang musika sa kanyang pandinig.
Gulat at pagkasindak parin ang nakalarawan sa mukha ng lalaki.. hindi ito makapaniwala..
p-pa pa no…? nagkandautal na tanong nito sa kawalan ng masasabi, hindi nya alintana ang pananakit ng katawan, dahil nagsusumigaw sa kanyang isipan ang katanungan, na papaanong muling nabuhay ang taong kani-kanina lang ay wala ng pulso.
Hindi umimik ang dalaga bagkus ay mabilis itong umupo at agad na hinawakan ang leeg ng lalaki at sakalin ito na napakariin, naglulumaki na ang mata nito, nais muling magsalita subalit nahihirapan na sa paghinga. Ni walang nakapansin sa nangyayari sa dako nila.
Sa isa pang iglap wala nang buhay itong humandusay sa sahig ng bitawan ng dalaga ang leeg nito, luwa ang mga mata, at pulang-pula ang buong mukha niyon. Maging ang dila nito ay lumawit na,, kapansin pansin din ang napakalalim na bakas ng kamay at kuko sa kanyang leeg.
Parang walang nangyaring iginala ni Frea ang kanyang pulang mga mata sa paligid, lahat ay busy sa kanilang ginagawa, wala man lang nakaalam sa kaganapan na iyon, muli na namang nasilayan ang kanyang ngisi. At dahan-dahang ibinaba sa sahig ang kanyang mga hubad na paa. At naglakad na parang may kung anong nag-uutos sa kanya.
Nahagip pa ng kanyang mga kamay ang isang gunting , may bahid pa iyon ng dugo na parang may kung anong ginupit iyon. Kinuha nya iyon at lumigid sa napakalaking makina na hindi nya alam kung para saan ang gamit.
Nagbigay nang nakaka-ngilong (I hope alam nyo yung words) ingay sa buong lugar ng idikin nya iyon sa makina kasabay ng bawat paghakbang ang pagguhit din niyon.
Nakatawag na siya ng pansin sa labing limang naroroon na natigil sa kanilang ginagawa, may mga bakas ng pagkagulat sa kanilang mga mata, maging ang pagkamangha. Iisa lamang ang tumatakbo sa kanilang isipan, mukhang nagtagumpay ang kanilang pag-aaral sa dalaga.
Call MR SY, about this… mabilis na utos ng isa sa mga lalaking naroroon na nakasuot din ng puting damit. Bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha, natuwa pa nga sya at mabilis na lumapit sa dalagang nakayuko lamang habang patuloy parin sa marahang paglakad.
Tumalima ang inutusan, nang tuluyang makalapit ang lalaking doctor para muling suriin ang dalaga. Hindi na ito nakaimik pa ng mabilis na hiniwa nito gamit ang gunting ang kanyang leeg, sumisirit agad ang masaganang dugo at nanlalaki ang matang bumagsak sa sahig, gimbal ang ibang naroroon sa nakita nila.
Kasabay ng pag-angat ng mukha nito at pagtingin sa kanila ay ang paggapang ng takot sa kanilang katawan, hindi sila makapaniwala sa nakikita.
Ang mga pulang mata nito ay punong-puno ng emosyon, ng iisang emosyon na lalong nagbibigay hatid ng pangi-ngig ng kanilang mga kalamnan, palipat lipat ang kanilang paningin sa dalaga at sa pinunong doctor.
Hindi na nag-aksaya ng oras ang dalaga at mabilis na tumakbo palapit sa mga nakatulala pang lalaki, walang pagdadalawang isip na isinaksak nya agad sa leeg ang unang biktima , wala na itong nagawa dahil sa sobrang bilis ng galaw ni Frea, hanggang sa sunod-sunod na ang saksak na kanyang natamo.
BINABASA MO ANG
RED
ActionHindi nila alam kung sino ako? Hindi ko din alam kung sino mapagkakatiwalaan ko. Isa lang ang alam ko, kakaiba ang lakas ko.