Makikita ang kasiyahan sa bawat paghakbang ng dalaga, sa lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nakalipas na buwan at taon. Sa mga taong nawala, sa kanyang mga magulang, sa kanyang mga kaibigan. Nakakalungkot man isipin kung ito ay daraan sa iyong ala-ala subalit wala ka nang ibang magagawa kung hindi ang magpatuloy sa buhay, ang ipagpatuloy mo ang buhay na masaya. Kaya sa bawat paghakbang ay hindi maitatago ang kanyang ngiti. Ang kanyang napakagandang ngiti, walang bahid ng kung anong sama ng loob, ganun din ang kanyang mga mata, makikita mo ang kasiyahan habang nakatingin sya sa taong nasa harapan.
Na ang taong iyon ay laging nasa tabi nya, ano man ang nangyari hindi sya iniwan at laging nasa likod lang nya at handang sumuporta.
Pangalawang lalaking minahal nya. Maliban sa kanyang ama. Masaya nya itong ngitian, bakas ang kasiyahan din sa mukha nito at pagmamahal.
Tama, mahal nila ang bawat isa, handa nilang ibahagi ang buhay nila sa isat'isa, naging sandigan nya sa oras ng kadiliman at pagluluksa.
Ngayun ito na nga ang araw na pinakahihintay nito.
Ang araw na maging maligaya.
Malaya sa lungkot ng kahapon..
Salamat kuya.... Bulong ng dalaga sa kanyang isip.. nakatingin sa lalaking nag-aantay sa harapan ng altar.. nakangiti habang nakatanaw sa kanya.. maging maligaya nawa kayo sa bubuuin nyong pamilya.. sabi pa nya..
ITIGIL ANG KASALLLLL......
Napalingon silang lahat ng marinig ang malakas na sigaw na iyon, halos lahat ay natutok ang mata sa dumating,, may pagtatanong sa mga ito..hindi narin naiwasan ang bulong-bulungan..
Mabilis na lumapit si Troy sa kinaroroonan ng dalaga at mahigpit na hinawakan ang kamay nito..
Walang kasal na magaganap,, ilalayo kita dito.. mariin at seryosong sabi nito..
Napa kunot noo naman ang dalaga, hindi nya maintindihan ang sinasabi nito.
Ano b.....hindi na nya natapos ang sasabihin ng magsalita ulit ang binata..
Alam mo bang matagal kitang hinanap.. halos mabaliw na nga ako araw-araw makita kalang,, kahit na awayin o bugbugin mo ako, ayus lang.. wag ka lang magpakasal Frea.. mariin at seryosong sabi ng binatang Campos,, hindi alintana ang mga matang nakatingin sa kanila, parang wala nang ibang tumatakbo sa isip nito kundi ang dalagang nasa kanyang harapan..
Bak.... Muli hindi na ulit natapos ang nais nyang sabihin.
Mahal kasi kita alam mo ba yun... hindi ko kayang makita ka na masaya sa iba,, na magpapakasal ka pa,,punong-puno ng emosyon ang bawat kataga nito.. maisip ko lang na iba ang kasama mo halos gusto ko nang gilitan lahat ng lalaki sa mundo,, di hamak na mas gwapo naman ako sa kanila.. at isa pa , mahal na mahal kita,,dirediretsong sabi nito na nagpanga-nga sa dalaga at sa mga nakarining ang iba ay nangingiti at kinikilig sa nangyayari..
![](https://img.wattpad.com/cover/22970598-288-k991378.jpg)
BINABASA MO ANG
RED
ActionHindi nila alam kung sino ako? Hindi ko din alam kung sino mapagkakatiwalaan ko. Isa lang ang alam ko, kakaiba ang lakas ko.