Epilogue

21.8K 368 18
                                    

Mabilis ang bawat paghakbang ng binata na animo nakikipaghabulan sa oras, hindi na nya alintana ang ilang nakakabangga .

Bwiseeettt... maya't maya bulong pa nito sa sarili habang mahigpit na hawak sa kaliwang kamay ang kanyang cellphone at sa kanan naman ay isang bugkos nang pulang rosas,, inililingap pa nya sa paligid ang mga mata na may particular na tao ang hinahanap.. halos magsalubong ang kanyang mga kilay ng wala ito sa paligid..

 

Naman!!!,,, naman!!!... naiinis na bulong ulit nito..

Maya pa ay mabilis na itinapat sa tenga nito ang cp at pagalit na kinausap ang nasa kabilang linya.. nasaan na ba kayo ? ?

Just wait a little more bro... sagot naman ng nasa kabilang linya..

Ayusin nyo yan malilintikan kayo sakin... paangil na sabi pa nito bago walang babalang pinatayan ng linya ang kausap..

Ilang lingo na nga ba ang nakakaraan ng mangyari ang nakakahiyang tagpo na iyon sa buhay ng isang Great Troy..

Mabilis ngang lumilipas ang bawat araw , minsan itong napag-usapan, naging tampulan ng tukso at biruan ng mga magkakaibigan,  buong lingo na lagi nyang napapanaginipan at nakatatak na sa kanya ang kahihiyan.

Ang ibang dumalo ay nakalimot na at nangingiti nalang.

Ang bagong kasal ay masaya na parang iyon ay pagbati lang,

Subalit ang isang Troy Campos ay hindi natitibag ng sino man,, kumapal man ang mukha mas hamak na gwapo parin daw sa magkakaibigan.

Ang pangyayaring iyon na nakatatak na sa kasay-sayan ng angkan.

Kung paano maipaparating ang pagmamahal, hamakin man ay kahihiyan.

 

Salamat na lang sa suporta ng barkada, para ka na ngang tanga, vi-ni-videohan kapa.. yan ang lagi nyang litanya.

At ngayun nga pinagplanuhan nila na magtapat na sya ng maayos sa kanyang sinisinta.

Kahit nakapaligid sa kanila ay hidden camera.

Nais ng binata na maging masaya kahit na abo't abot na ang kanyang kaba... hindi na nga nila pinasukan ang panghapong  subject  para lang sa proposal na gagawin nya.

Ilang beses nga ba nilang pinagpraktisan ang gagawin, ilang katao din ba ang binayaran nya para lang makipagsabwatan.

At ilang high hills pa ang binayaran nya mapapayag lang si Jaymee na maka kunshaba, hindi naman nya ikakahirap iyon.. atleast hindi na sawi ang puso nya..

Ang totoo nyan,, dalawang oras pa nga bago ang actual nilang plano kaso hindi na nya malaman ang nangyayari sa kanya, daig pa nya ang pakiramdam ng bibitayin, dahil wala namang pagsisisi sa kanyang gagawin ngayun..

Hay,,, buntong hininga pa nya at umupo sa isang upuan na malapit lang sa lugar. Tinatanguan lang sya ng mga nakikita nyang kakilala, pero ang mga kurimaw nyang kaibigan wala pa..

Kinuha pa nya ang panyo sa suot na pantaloon at pinunasan ang pawis na namumuo sa kanyang noo. At muli buntong hininga nalang ang nagawa nya..

Mas nakakatakot pa pala ang oras ng paghihintay kesa sa makipagbugbugan ka.

Doon katawan mo lang ang sasakit,

Sa maghintay ka... para ang bawat segundo, kasing bilis ng pagpintig ng puso mo ang kabang nararamdaman. Kasabay ng mga "what if's" na tumatakbo sa iyong isipan..

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon