Agad na napamulat ng mata si Frea ng makarinig ng malalakas na putukan ng baril sa labas ng kanilang kina kukulungan ni Jaymee..
Jaymee.... Mabilis nyang tawag dito, subalit wala syang nakuhang sagot. Muli nyang inulit ang pagtawag, hanggang sa narinig na nya ang bahagyang pag-ungol nito, marahil ay hirap na hirap narin ito sa kinalalagyan kasama narin ang sugat nito.
Narinig din ng dalagang Balmest ang mga putukan, at biglang nagising ng tuluyan ang diwa nito.. a-ano anggg n-nangyayari...? nahihirapang tanong nito sa kanya.
H-hindi ko din alam..sagot din ng dalaga
Maging ang malalakas na kalabog ay maririnig din at ibang hiyawan. Hanggang sa malakas na bumukas ang pinto, tanggal ang pagkakakabit niyon dahil sa pagsipa at pumasok ang ilang nakaitim na lalaki, takip ang kanilang mga mukha.
Dalian nyo,!!!! ilabas na daw ang mga yan...mabilis na utos ng tumatayong pinuno nila, agad na nagsikilos ang iba pang kalalakihan at pahilang kinuha ng mga ito si Jaymee sa loob ng kinalalagyan nitong maliit na cabinet na gawa sa bakal, maging si Frea ay tinanggalan narin ng posas. At parang hayop na hinila ang dalawa, hindi lubos na maihakbang ni Jaymee ang mga binti kaya lalo syang kinaladkad ng mga lalaki.
Paakyat na sila sa hagdan nang ang mga nagbabantay sa pinto ay duguang humarang sa kanilang daraanan , umaagos ang dugo sa sahig at walang buhay na ang mga ito. Gulat naman ang iba nilang kasama ng magsipagpasukan ang iba pang kalalakihan na may mga dalang baril.
A-aa !!!!!
Naiangat ni Frea ang kanyang mukha ng marinig ang pamilyar na pagtawag na iyon sa kanya.
Wag kayong tatanga-tanga banatan nyo na mga tarantad*ng yann!!!!!!!!.. malakas na hiyaw ng tumatayong pinuno sa tauhan ni Mr, Sy . at agad na nagpanlaban ang dalawang grupo.
Nakilala ni Frea ang mga ito. Ang kanyang dating mga ka Gangmate,sa pangunguna ni J, may kasiyahan syang naramdaman sa muling pagkakita dito,
Napatumba na ng mga ito ang ilan sa mga may hawak sa kanila ni Jaymee. Mabilis na hinawakan ni J ang kanyang kamay.. Tara na, kailangan na nating makaalis kaagad dito.. sabi nito at iginaya na sila sa paglabas, ni hindi na makuhang magsalita ng dalaga. Nabibilisan sya sa mga nangyayari.
Nang nasa labas na sila nagkalat ang iba pang tauhan ng matandang Sy ang iba ay nakabulagta sa lupa at ang iba naman ay nagkakanya kanya sa pakikipag laban sa iba pang kalalakihan na nakikita nya.
Lets go to you're brother... muling sabi ni J ikinalingon ng dalaga , nagtatanong ang kanyang mga mata.
Nandito si kuya ?? tanong pa nya habang tumatakbo na sila, hindi na nya napagtuunan ng pansin na pinasan na pala ni M si Jaymee, makalayo lang sa lugar. Napakalawak ng buong bakuran ng mga Sy, kaya kailangan nilang magmadali.
Yes..mabilis na sagot ni J. napahinto sila malapit sa bungad na bahagi ng Mansion ilang kilomerto na lang ay nakaabang na ang isang sasakyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/22970598-288-k991378.jpg)
BINABASA MO ANG
RED
ActionHindi nila alam kung sino ako? Hindi ko din alam kung sino mapagkakatiwalaan ko. Isa lang ang alam ko, kakaiba ang lakas ko.