Mabilis na nakalabas ang dalaga at nakatakas sa tauhan ng kuya nyang humahabol sa kanya,, nagsuot sa pasikot sikot na lugar,, nagtago sa madilim na kalye,, pauwi sa bahay ng mga Campos… nakarating sya at agad na pumasok sa silid..
Tulad ng pag-amin sa kanya ni Jaymee nung nagdaang gabi..may pasya ng nabuo sa isip nya,, at iyon na lang ang pinanghahawakan nya para matapos na ang lahat..
Flashback
ATHENA / FREA POV
Anong kinalaman ni kuya dito….bakit si kuya ? tanong ko kay jaymee,, may hinala na ako noon pa sa kanya,, ngayun lang ako nakatiyak na sya pala talaga yun..
Nakita kong nangangatog pa sya,, nakakainis kailangan ko magpakahinahon bago ko pa sya masaktan sa inaasta nya ngayun.. tara… sabi ko sa kanya at hinila sya patayo.. kailangan naming mag-usap…
Hinila ko , parang ala syang lakas para maglakad,, nilingon ko agad sya,, tulala lang na nakayuko.. nasaan yung makulit at hyper na jaymee..tanong ko sa sarili ko… hindi ko naman inaasahan na si kuya pala ang may kagagawan ng pagbuntot buntot nya sakin, akala ko nalaman na ng grupong iyon kung nasaan ako..
Nakarating kami sa isang court,, ala naglalaro dahil alang ilaw sa poste kaya walang makikita ang mga nais maglaro.. napa buntong hininga ako.. kailangan ko ng mas maraming sagot..
Magsalita ka jaymee…..sabi ko sa kanya,, nakita ko na napapitlag sya at gulat na nakamata lang sakin, bakas ang takot sa mata nya… ano ba nangyayari sa babaeng to.?
Sabihin mo ang nalalaman mo,, ayoko ng pinag-aantay jaymee.. kilala mo ko,, hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan na hindi ka masaktan ngayun kaya magsalita kana… mahabang sabi ko sa kanya,,, at nagbuga ako ulit ng hangin sa bibig ko,, kailangan ko yun para hindi na umabot sa utak ko ang asar na nararamdaman ko,, pakiramdam ko,, umaahon na ang galit ko,,, ang daming gulo,, nagkakasakit na ata ako sa isiping lahat ng ito..

BINABASA MO ANG
RED
ActionHindi nila alam kung sino ako? Hindi ko din alam kung sino mapagkakatiwalaan ko. Isa lang ang alam ko, kakaiba ang lakas ko.