~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
YEAHHHHH...
HERE WE GO......
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Marahan at alisto silang pumasok sa kasukalan,, nagtago sa matataas na tambak ng kahoy..payukong tumawid at dumikit sa pader .. matalas ang mga matan’g nagmamasid sa mga tao sa loob ng gusali..
Maingat ang galaw upang hindi makatawag pansin sa sinumang tao. Magkasunod parin ang dalaga habang ang binata ay pabaling baling din ang ulo na tumitinggin sa paligid, walang nagsasalita sa kanilang dalawa, ang mission nila ay mailigtas ang mga kaibigan , na kung maaari ay walang masaktan sa magkabilang panig, subalit mukhang hindi sila kakasihan ng pagkakataon..
Yuko ang mga ulo habang paluhod ang isang binti na nakatago sila sa tambak na karton ng pumasok na sila sa loob..ramdam ang bawat paghinga ng dalawa,, sumasabay pa ang kaluskos ng mga dahon sa kada hampas ng madaling araw na hangin,, sumisilay ang isang bagong umaga kasabay ng pagbati ng araw na pasikat na sa silangan ..
Mula sa kinaroroonan nila tanaw ang mahigit syamnapo na katao,, ang iba ay nakatayo, mayroong din nakaupo sa gilid malapit sa sirang bintana, nakasilip kung may kakaibang paggalaw sa labas,, ang iba ay nakaupo at may hawak na tubo at baseball bat,, ang iba naman ay abala sa pag-uusap.. may palakad lakad pa punta sa loob.. nagkatinginan ang dalawa wala ang mga kaibigan sa inaasahan nilang lugar..
Bahagyang ipinilig ng dalaga ang ulo, senyales na umusad sila sa itaas,, kung saan may napapansin din silang mga grupo ng kalalakihan na nakabantay sa isang hagdan ..
TROY POV
Fu*k .. theres a lot of gangster every where,, bulong ng isip ko, habang tinatanaw namin sila at patagong lumulipat ng lugar,, kanina parin kinakalampag ang dibdib ko,, mukhang pati ang mga tuhod ko na kikisama sa dibdib ko dahil kanina pa ito nanga-ngatog simula ng pumasok kami dito… nakakainis lang isipin ang katotohanang dadalawa lang kami ni Frea na sumugod dito,, daig pa namin ang nagpapacharming kay kamatayan nito, na anumang oras baka makita na namin siya ng personal..
Ano ba naman yan.. hindi ko maisip na masasangkot ako sa ganitong kaguluhan.. mahabang paglalakbay ng isip ko habang sinusundan ko parin si Frea sa marahang paglakad nya,, katulad nya alerto rin ang mata ko sa paligid, pero naglalakbay din ang kaisipan ko, madaming tanong dahil kung susuriin ko talaga at papansinin ang bawat pagkilos ng babaeng to,, sanay na sanay sya.. hindi kaya dating killer to,,, nanlaki ang mata ko at napahinto sa paglakad sa kaisipang biglang pumasok sa isip ko..
Hindi kaya killer nga sya..???
BINABASA MO ANG
RED
ActionHindi nila alam kung sino ako? Hindi ko din alam kung sino mapagkakatiwalaan ko. Isa lang ang alam ko, kakaiba ang lakas ko.