CHAPTER XL

17.9K 394 46
                                    

 

Humihinga pa ako ? ?

Pwede bang pumalya na ang paghinga ko,,,,

 

 

 

Kuya ? na saan ka ba?

Natatakot  ako dito, ayoko na

Kuyaaaaa…..

Tulungan mo ko kuya…..

 

 

Iniwan na ba nila akong lahat ?

Wala bang nakakarinig sakin…

Apollooooo….

Asan ka ……………….

Panay ang ungol ng nakapikit na dalaga, nakahiga ito sa puting kama na napapalibutan ng ibat-ibang tubo na nakadugtong sa kanyang katawan. Para din syang nasa loob ng incubator ng mga baby.. mabilis ang pagbaba’ taas ng kanyang heart beat sa monitor.. subalit patuloy syang nakapikit, animo nasa ibang dimension ng kanyang isip.. salubong ang dalawang kilay at may namumuong butil ng luha sa sulok ng kanyang mga mata. Maya-maya pa narinig na ang paghikbi nya at masaganang pagdaloy ng kanyang luha.

What’s happening to her.. pabulong na tanong ng isang lalaking nakaputi sa kasama nito na ganun din ang kasuotan.

I don’t have any idea.. naguguluhan ding sagot nito sa nagtanong at agad na isinulat sa file folder na hawak ang nakikita nilang pagbabagong nagaganap sa dalaga.

 

Maawa naman kayo sakin..tulungan nyo ako dito..

Maririnig ang pag-ungol nya subalit hindi maintindihan ang salita.

***Sa kanya namang isipan..

Inililibot ni Frea ang kanyang paningin sa paligid, napaka dilim sa lugar na iyon, para bang nagalit ang lumikha at pinagkaitan ng liwanag ang lugar. Walang ibang makita ang dalaga. Naghahatid ng laksa-laksang takot sa kanyang pagkatao ang kadiliman ng lugar.

Takot , takot na takot sya.

Kung sinu-sino na ang tinawag nya sa pag-aakalang matutulungan sya ng mga ito..

Ang kuya nya na laging nakabantay sa kanya, laging nag-aalaga sa kanya noong panahon na una syang pumasok sa iskwela, ang pakikipag biruan nya dito. Ang masasayang bagay at pangyayari na una nyang naranasan sa tulong nito. Ang adventure nila sa bawat lugar, ang pagtuturo sa kanya nito kung paano depensahan ang sarili, kung paano bumaril. At ang pangako nito na hindi sya iiwan.. isa-isa iyong dumadaan sa kanyang ala-ala… para iyong batis na patuloy na dumadaloy sa kanyang kaisipan, mga ala-alang labis nyang pinananabikan, subalit naghahatid ngaun ng kalungkutan at pangungulila nya sa nakatatandang kapatid.

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon