CHAPTER XXXVI

20.5K 369 48
                                    

Mabilis na pinapaharurot ni Frea ang sasakyan, papunta sa kasukalan,, ilang buwan o taon din ang nagdaan ng muli syang magbalik dito,, ayaw na sana nya subalit kailan  nyang balikan ang lahat kung bakit nga ba sya nagkaganito.. ilang oras palang ng lumapag ang Eroplano sa airport ng Cebu,, hindi sya nag-aksaya ng panahon at nag rent ng sasakyang magagamit,, bilang na ang lahat ng oras.. nakaplano na ang lahat.iniwan nya ang kapatid kay Jaymee.. pinababantayan nya ito sa dalaga dahil pinatulog nya ito,, ayaw nyang makialam pa at humarang sa kanyang mga plano ang kapatid, kaya ninais nyang bigyan na lang ito ng pangpatulog.. dalawang araw din iyon.. kaya sa loob ng dalawang araw kailangan na nyang magawa ang dapat gawin.. mistake are not counted this time

 

Dito lang pala ang pugad ng grupo na iyon,nakangising bulong ni Frea sa sarili, salamat nalang sa magaling na paghahanap at pagmamanman ni Jaymee at madaling nakita ang kinaroroonan nila.. minaniobra ng dalaga ang sasakyang at lumiko sa dulong bahagi ng daan,, baku-bako ang daan kaya mahirap pasukin ng sasakyan,, subalit hindi hadlang ang mga iyon para mapigilan ang dalaga sa gagawin..

Itinago ang sasakyan sa pagitan ng dalawang malaking puno,, kung may makapansin man dito, wala nang magagawa ang dalaga dahil napansin na nga… nakasuot sya ng nakasanayan,,, isang fited sando na itim, pinatungan nya ng isa pang tshirt, at ang jacket nya,, naka ponytail na ang mahaba nyang buhok at itinago ito sa isang bonet,, mabilis na tinahak ang daan kung saan talagang liblib at tago ang gusaling dapat nyang puntahan,, matataas ang damo at talahib,, hindi nakakapagtakang hindi nga ito madaling makita,, sabi nga ni Jaymee talagang delikado, lalo na kung sino ang taong nasa likod niyon.. ang pinuno at may pakana lang lahat..

 

Alas tres na ng hapon,, sikat pa ang araw,, at talagang pasikat ito dahil sa mainit ang hanging tumatama sa mukha ng dalaga,,talagang nasa probinsya na sya,, kung sa tulad parin sya ng dati at wala sa ganitong sitwasyon malamang na kanina pa niya na appreciate ang nasa paligid nya, hindi maitatanging maganda ang lugar,, bihira pasukin ng tao,, kaya birhen pa sa lahat ng polusyon,,sakabila ng kagandahan nito, hindi rin maiiiwasan na pamugaran ito ng masasama..

 

Hindi  na nag-aksaya ng panahon ang dalaga at inakyat ang isang mataas na puno,, at duon na lang nagpalipat-lipat, at talon talon para mas makalapit sa gusali,, kahit mataas ang mga talahib, hindi nya nais na doon magtago dahil malamang na may makakakita kaagad sa kanya,, lalo na yung nasa mataas na palabag,, kahit pa sabihing tago ito, hindi maiiwasang madaming bantay ang naroroon,,

Bakit nga ba ninais ng dalagang mag-isang sumugod sa lugar na iyon na hindi naman lingid sa kaalaman nya na maaari nya iyong ikapahamak,, sa isip nya, may pagpipilian pa ba sya,, sa kanya nagsimula ang lahat, kaya nararapat lamang na siya narin ang tumapos nito,, wala ng madadamay, wala ng buhay ang masasayang,,

Mabilis subalit marahan syang tumalon pababa sa puno,, tantyado ang bawat pagkilos,, walang makikitang pag-aalinlangan sa bawat paggalaw nito,

 

 

ATHENA / FREA  POV

 

Hindi ko alam noon kung ano ba ang silbi ng lahat ng mga itinuro at natutunan ko dati kay daddy,,

bakit nga ba nya ako tinuruan makipaglaban,,

 bakit nga ba nya hinayaan ang matutunan ko ang lahat,, tulad ni kuya.. wala akong alam sa lahat ng dahilan nya,,hindi ko alam kung para saan ba lahat ng iyon..

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon