CHAPTER XLVII

13.1K 292 20
                                    


Hoy mga kababayan,,, aking minamahal at malolokong kaibigan, sa wakas natapos na ang aking paghahanap. Makikita ko na ang aking sinisinta,, ang aking itinatangi,, ang itinitibok ng aking puso. Ang kabuuan ng aking buhay,anggg.. aray ano ba gag* ka ahh.. napapahawak sa batok na turan ng binatang Campos sa nakangising kabarkada nito.

Para ka kasing timang dyan.. nakangising turan ni Steve na nakatayo pa pagkatapos nyang bigyan ng malakas na batok ang binata na animo sinapian ng kung sinong makata sa pinagsasabi nito kanina habang nakatanaw sa kawalan at pataas taas pa ng kamay na parang may inaabot na kung sino..

Naiiling lang din sa kabilang gilid ng inuupuan nilang mahabang sofa si Blue,, nasa malawak silang sala ng bahay.. este mansion ng mga ito. Kung saan siya na mamalagi nitong nakalipas ng mga buwan.

Tahimik man subalit pangit-ngiti naman si Allen habang nakikinig sa kanila, maaliwalas parin ang mukha nito , masayahin parin tulad ng dati, ang ipinagbago lang ay padre de pamilya na, sa apat na buwang gulang na bata sa sinapupunan ng asawa nito. Masaya naman daw sya sa nangyari sa kanyang buhay at walang pinagsisihan sa kanyang nagawa, akala nga niya ay magagalit sa kanya si Troy. Kabaliktaran pala ang nangyari. Halos halikan sya nito sa tuwa dahil sa kasiyahan nito ng ipagtapat nya ang lahat.

Kaya walang nagbago sa kanilang magkaibigan, ganun din sa magkababata. Naunawaan na ni Troy ang lahat at napatawad narin ang matandang Sy.

So ano plano mo damuho ka...? Maya-maya ay tanong ni Blue.

Syempre naman bro .. ano pa edi puntahan sya,, asan na naman ba ang utak mo.. pailing-iling na turan nito, habang inabot ang basong may laman ng malamig na beer.

Alam ko, wag kang patawa... biglang sabi nito sa nakasimangot na mukha.. pagnagkita na ba kayo sasabihin mong mahal mo sya.. walang gatol na sabi nito..

Sunod-sunod na pagp-ubo naman ni Troy ang narinig sa paligid at ang pagkalat ng naibungang beer sa kanyang pantalon... ahhh shi*t... sh*ttt.. mura pa nito..

Anong Sh*t ka dyan,, gag*..., sabay balibag ni Steve sa kanya ng isang bimpo na kung saan lang nito na pulot.

Aba .. sa nagulat ako sa tanong nya ...may magagawa ka ? ? galit galitan na sabi nito habang namumula ang mukha.

Bakit bro, di mo kayang magtapat.... Sabi ni Blue na may mapanuring tingin,, natuon narin sa binatang Campos ang tingin ng dalawa.. si Allen na may nakasilay na ngisi sa labi . at kay Steve na may mapatuksong tingin at pag tusok-tusok pa sa kanyang tagiliran na lalong ikinairita at ikina pula ng kanyang mukha..

Tigilan nyo nga ako... pag-iwas ni Troy at tumayo,, nagpalakad lakad sa kanilang harapan. Habang ginugulo ang kanyang buhok.. hindi naman sya nilubayan ng tingin ng tatlo..

Hayyyss... ano ba tigilan nyo nga ako sa tingin nyo na yan...pasigaw na sabi nito at na meywang pa..

Lalo naman syang pinagtripan ng tatlo, nagsulyapan sila at sa isang iglap magkakatabi na sa isang sulok sa kinauupuan ni Allen at may kung anong pinagbubulungan at pasulyap-sulyap sa knaroroonan ng binata..

Nagtatanguan na animo may binubuong plano..

Tama..tama.. yun nga... pagsang -ayon ni Steve sa kung anong sinabi ni Blue,, patango din si Allen.. nakataas naman ang kilay ni Troy sa kung ano ang pinag-uusapan ng tatlong itlog..

Hooyy,,, ano yan mga gag* kayo ..? ? pagalit pa na sabi nito

Ahhh,,, biglang sigaw ni Allen.... Talaga sino daw yung lalaki... malakas pa na tanong nito.. at sadyang pinaparinig na sa binatang Campos ang kanilang pinag-uusapan..

RED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon