II: Hidden Threads

16 0 0
                                    




**************************



Psyche Valentine Collins



I'm super duper busy with my tasks since I arrived earlier, hindi ko na napapansin ang oras o ang kahit na ano'ng bagay sa paligid ko dahil sa tambak na gawain. I couldn't even afford to get myself some coffee because if I did that, I'm afraid that Ms. Viloria might think that my tasks aren't enough for me at baka dagdagan niya pa! I hate her!!




I didn't know anything about it until Eros told me before I started working on the tasks that they gave me but it turns out that Ms. Viloria went to see Mr. Rodriguez para bigyan ako ng isang damakmak na gawain para sa unang araw ko, ginagawa ko na lang ang mga ito dahil mukhang ito ata ang parusa ko.





I mean, hindi ko naman sinasadyang maging late sa unang araw ko sa trabaho at mas lalong hindi ko ginusto na mag-karoon ng kasabay na ubod ng bagal mag-parada ng mga sasakyan nila sa parking lot. Bakit parang kasalanan ko?





Bago ako tuluyang mag-focus kanina, nakita kong tumatawa si Eros pero hindi niya ipinapahalata iyon sa'kin. Akala niya siguro ay hindi ko nakikita ang pag-ngisi niya, mukhang natutuwa pa siya dahil binigyan ako ng madaming gawain. Kung siya ay natutuwa o nasisiyahan, pwes ako hindi!!






Ngayon, kasalukuyan pa rin akong stuck sa upuan ko. Ni hindi ako maka-galaw o maka-tayo man lang, wala akong ideya kung ano'ng oras na pero sana ay bilisan ng oras sa pag-takbo dahil gusto ko na talagang kumain. Mukhang masisira ang diet ko ngayong araw dahil sa sobrang gutom, a single slice of oat bread and a strawberry smoothie won't be enough this time.






I didn't get a chance to cook something for breakfast, hindi na rin ako nag-stop by sa Café para bumili ng coffee dahil late na nga ako. I'm on a strict diet but sinisigurado ko na hindi ako nag-papagutom, kailangan lang na balance ang lahat para hindi ako mag-gain ng sobrang weight.






Losing extra weight is not as easy as it seem, maliban na lang kung may sakit ka or nasa genes niyo talaga iyon. Wala namang chubby sa pamilya namin, I guess that's a great news for someone like me who's always on a diet.






Ano'ng oras na ba?! Bakit ang tagal ng oras?! Tapos na ako sa unang folder, nasa kalahati na ako ng pangalawa ngayon but the time is not running faster this time. Except for the fact that I really don't want to stay inside this office, nagugutom na talaga ako so why the fuck won't the time cooperate?!






A few minutes later, biglang tumayo si Eros. Nag-mamadali siyang lumabas sa opisina niya, I have no idea kung saan siya pupunta dahil hindi naman siya nag-sabi o nag-bilin. Baka babalik din siya kaagad kaya hindi na niya kailangang gawin ang bagay na iyon.






Ipinag-patuloy ko na lamang ang ginagawa ko, I've decided to focus on my work para mas mabilis akong matapos. But come to think of it, hindi ako makakapag-out ng maaga dahil late ako sa araw na ito. Nakaka-hiya naman kung aalis ako ng maaga kahit late na nga akong dumating kanina.






I'm actually starting to feel dizzy, siguro dahil sa gutom? O dahil hindi rin ako naka-tulog ng maayos kagabi so I've decided to stop whatever I'm doing right now, baka mag-kamali ako at kapag nang yari iyon ay siguradong mapapagalitan ako.






Habang hinihilot ko ang sentido ko, biglang bumukas ang pintuan ng opisina. Mula sa kinauupuan ko, naka-amoy ako ng mga masasarap na pag-kain at pag-tingin ko kung sino ang may dala 'non? It's none other than Mr. Rodriguez!! This jerk is really something! Talaga bang nang iinis siya ngayon?!!






Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now