II: Broken Connections (PT. 2)

21 0 0
                                    




**************************


Psyche Valentine Collins



Matapos ang isang successful na Flag Ceremony ngayong umaga ay pumasok na sa kani-kaniyang classroom ang mga estudyante ng St. Valentine. I saw that some of them are really delighted to see me, they were smiling genuinely while kept on waving their hands while I was standing in front of the stage earlier.





Kahit malawak ang lugar na nasasakupan ng school na ito, it's still too obvious kapag wala sina Eros, Jared, Thor at West. Ni isa sa kanila ay hindi ko man lang nakita sa Flag Ceremony, I tried asking Avianna about her Cousin but she also didn't know kung nasaan silang apat. Of course nandito na sila sa school pero baka nakatulog nanaman sila.






Speaking of Eros, he's a bit different kapag nandito siya sa school kumpara kapag nasa loob kami ng kumpanya. Well, hindi niya ako pinapansin ngayon pero kapag nasa loob kami ng opisina niya? Daig niya pa ang gwardya kung maka-bantay.







I don't get why he's being overprotective towards me kapag nasa loob kami ng kumpanya, may threats na ba laban sa'kin? May gusto na bang pumatay sa'kin? Si Ms. Viloria ba? Kung siya nga ang taong iyon, hindi na ako magugulat dahil wala na siyang ginawa kundi tambakan ako ng mga gawain.





I just started a week ago pero ang mga gawain na kailangan kong gawin ay parang pang isang buong taon na ata, she's not even letting me take a short break. Kapag nakikita niya akong nakatayo sa Office Pantry para uminom ng tubig, she'd right away tell me to go back to my desk and start working on those tasks that she assigned to me.






Hindi naman nakiki-alam si Eros kahit nakikita niya na ganon ang ginagawa ni Ms. Viloria pero kapag below the belt na talaga ay doon na siya nakiki-alam o sumisingit para iligtas ako.






Kapag ginagawa niya iyon, it's making my heart flutter.






Natutuwa ako pati na ang puso ko pero at the same time, hindi ko maiwasang mag-tanong sa sarili ko dahil pag-tapos kong maging masaya ng labis ay bigla akong malulungkot. Then out of the blue, I would come to my senses that he and I were no longer in a relationship.






That feeling alone is really giving me a hard time, I'm trying so hard to stay away from trouble because I don't want to bother him anymore but it's the trouble itself who doesn't want to stay away from me. Everywhere I go, misfortunes and unwanted situations are always around. It's affecting me and the people around me, I'm sick and tired of it but what else can I do?






Kapag nandiyan na ang problema, wala na akong magawa kundi ang umiyak at mag-mukmok sa isang tabi. I'm always waiting for a miracle to happen and then my hopes are up as well even if I knew that I'd be disappointed because no one came to save me.






Alam ko namang hindi sa lahat ng pag-kakataon ay nandiyan si Eros para sagipin ako, katulad nga nang sinabi ko kanina ay hindi na kami mag-karelasyon. Ano pa bang rason ang natitira sa kaniya para gawin ang bagay na iyon?





Is he saving me out of pity?





He knew that I'd hate him a lot kapag ginawa niya iyon lalo na kung ang dahilan niya ay naaawa lang siya sa'kin, he doesn't have to feel that way towards me. Pinaka-ayoko sa lahat ay 'yung kinakaawaan ako ng mga tao sa paligid ko kahit hindi naman nakaka-awa ang sitwasyon ko.





Ngayon, kasalukuyan akong nasa loob ng classroom. Wala pa 'yung Teacher namin para sa first subject kaya abala lang akong matulala sa isang tabi. After a few minutes, my phone suddenly rang. I received another text message but this time, it came from an unexpected person. It's Dad, he texted me.




Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now