II: For Her

15 0 0
                                    





**************************


Jonathan Eros Rodriguez



Dahil tapos na ang klase namin at nagawa na namin na maka-alis sa classroom nang hindi nakukuyog ng mga babaeng naka-wala sa zoo, balak na sana namin umuwi pero habang nag-lalakad kaming tatlo ay nakasalubong namin sina North at Reidly. Parang may hinihintay ata silang dalawa.







"Eros, West. Let's go, we have a mission. It's a direct order from Code II". Sambit ni Reidly.





A mission during the day? This is surprisingly peculiar.





"Saan tayo pupunta?". Tanong ko.





"You'll know when we get there". Tugon ni Reidly. Hindi naman nag-salita si West at North, mukhang alam na rin ata nila kung ano'ng gagawin namin ngayong araw. Ako na lang talaga ang walang ideya kung ano'ng nagaganap sa mga oras na 'to.






"May misyon kayo? Ang malas niyo naman, buti pa ako". Sabat ni Jared. Oo, wala siyang misyon ngayon dahil tapos na niya ang gawain na ibinigay sa kaniya ni Vice Commander noong nakaraan linggo.






"You don't have a mission but Vice Commander told me that you have to go back to Cielo and finish everything single written reports because she badly needs it". Paalala naman ni Reidly kay Jared. Mali pala ako ng iniisip, hindi rin pala siya ligtas sa gawain at ang mas masaklap pa ay written reports iyon.





Kapag hindi sumakit ang mga palad niya, ewan ko na lang kung ano'ng klaseng tao siya. Ngayon, kinakabahan ako dahil wala akong ideya kung ano na ang mang yayari mamaya.






Sana lang ang misyon na iyon ay hindi tungkol kay Psyche, mas gugustuhin ko pang makipag-habulan sa mga kriminal kaysa mag-sinungaling nanaman sa babaeng mahal ko.






"Ano?! Tapos ko na iyon eh!". Reklamo ni Jared.






Bahagya akong natawa. "Buti pa ako may misyon lang". Pang aasar ko naman sa kaniya tapos tinapik ko ang balikat niya.






May dala akong kotse ngayon kaya nag-lakad na ako papunta sa tapat 'non, pinindot ko ang buton para kusang bumukas ang pintuan at pag-tapos bumukas ng pintuan ay agad akong pumasok sa loob ng sasakyan. Ganon din ang ginawa ni Reidly, Jared, at ng kambal dahil alam nilang hindi kami maaaring mahuli kahit isang minuto.





Pinasa na ni Reidly sa'kin ang lokasyon kung saan kami pupunta ngayong araw, si Jared lang naman ang hindi sasama sa'min dahil may sarili siyang gawain. Pwede naman sana siyang tumulong kaso, kapag hindi siya nag-pakita kay Vice Commander ay siguradong malalagot siya.






Nang makita ko ang eksaktong lokasyon, medyo nag-taka ako dahil ang lugar na pupuntahan namin ay sa mansyon ng mga Collins. Sa madaling salita, pupunta kami sa tahanan ni Code II. Hindi ko maiwasang mag-taka at mag-tanong sa sarili ko pero mukhang kahit hindi na ako humanap ng kasagutan mula sa ibang tao, kakayanin ko naman atang sagutin ang mga sarili kong tanong tungkol sa misyon namin.





Makalipas ang halos isang oras na byahe, nakarating na kami sa mansyon ni Code II. Agad naman kaming pinatuloy ng mga naka-bantay, kilala ko ang iba sa kanila dahil mga Agent din sila mula sa Cielo Agency. Ang iba naman ay mukhang si Code II mismo ang kumuha sa kanila upang maging gwardya dito.






Nag-parada na lang kami ng sasakyan sa harapan ng mansyon dahil hindi rin naman kami mag-tatagal dito, ang kailangan lang naman ata namin gawin ay siguraduhin na darating si Psyche dahil iyon ang gusto ni Code II.






Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now