**************************
Jonathan Eros Rodriguez
Habang abala akong nakaupo sa isang tabi, hindi ko na namalayang naka-idlip pala ako. Naalimpungatan na lang ako dahil sa sikat ng araw, nag-pasya na akong bumaba para hindi ako maging inihaw na gwapo. Wala akong ideya kung ilang oras akong nakatulog, siguro dalawa't kalahating oras din.
Ngayon, kasalukuyan akong nag-lalakad papunta sa Guidance Office dahil may kailangan pa akong sagutan na form. Ginagawa 'to ng mga estudyanteng kaka-balik lang sa St. Valentine, ewan ko kung para saan ang form na iyon pero bahala na tutal hindi naman iyon masyadong importante. Sasagutan ko na lang dahil alam ko namang hindi ako hahayaang tumakas ni Avi.
Pag-dating ko sa Guidance Office, agad akong pumasok. Hindi na ako kumatok dahil sigurado naman akong alam na nila na darating ako ngayon. Si Avi at Riane ang naabutan kong nasa loob habang abala silang nag-aayos ng mga libro, may bago bang estudyante?
Ah, Oo. Meron nga pala talaga... Si Aurora pero mas kilala namin siya bilang Strawberry ni Thor. Walang ideya si Aurora na may stalker siya pero dahil nandito na siya ngayon, mukhang malalaman niya na rin ang tungkol dito. Mag-kapatid sina Primo at Aurora, mas bata si Aurora ng dalawang taon sa'min nila Thor kaya kung tutuusin ay siya ang bunso ng lahat.
We're pretty much aware of her existence and it's all because of Thorin himself, he's always following her specially if he has a spare time. Well honestly, he does have a lot because these days? Nobody is giving us any mission. That's actually a relief but it doesn't mean that we're literally alright.
Ang mga kalaban ay palaging nasa tabi-tabi lang, hindi pa sila nauubos o nawawala at iyon ang ikinababahala ko kahit sa mga oras na ito. Matapos kong pumasok sa loob ng Guidance Office, agad akong napansin ni Avi pati na ni Riane. Kapwa sila lumapit sa'kin, si Riane ang may dala ng form habang si Avi naman ang nag-bigay ng ballpen sa'kin.
"It's great to be back, right?". Riane asked.
I slightly nodded. "Yeah, I missed this place a lot". I replied.
"She's transferring back here too, alam mo naman ang tungkol doon diba?". Avi asked.
"Sekretarya mo siya tapos nasa iisang opisina lang kayo, don't tell me hindi man lang kayo nag-uusap tungkol sa inyo?". Riane asked again but this time, she seemed confused.
I sighed heavily. "Talking about us won't change anything, Riane. If she and I are meant to be then we'll be back together in the right time, regardless of the place". I answered to her.
"Huwag kang humugot, masyado pang maaga". Natatawa niyang sgaot sa sinabi ko.
"Medyo maaga pa naman pero wala pa 'yung panibagong transferee, sabi ni Primo malapit na raw sila pero bakit parang ang tagal?". Pag-iiba ni Avi sa usapan namin.
"Sino ba ang hinihintay mo? 'yung transferee o su Primo?". Nalilito namang tanong ni Riane.
"Siyempre 'yung transferee, are you insane? Bakit ko naman hihintayin si Primo? Isa pa, mag-kikita pa rin naman kami dahil mag-kaparehas ang schedule namin!". Depensa ng pinsan kong guilty. Hayst, bakit ba ang malas namin sa pag-ibig?
YOU ARE READING
Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2)
ActionThis is Book 2 of Kings Of Valentine #2 - Connecting Threads Once awhile, right in the middle of ordinary life, love gives us a fairy tale. Their fingers entwined slowly then suddenly, life made sense. If you don't think photos are important, wait...
