II: An Agent's Purpose

12 0 0
                                        



*3 months later..


**************************




Jonathan Eros Rodriguez





It's been three months since our special training had officially started, the Pillars gave us a mission and this time, Aurora and the rest of the Team 3 will join us. In other other, we have to finish this mission together.





None of us will be left behind, that's the reason why all of us are participating in this training program. We have to prepare and be ready at all times because this is an important mission, if this fails then we have no other choice but to operate the other plan that Vice Commander had told us. No one knows about the other plan except for Thor, Jared, West and myself.






Mayroon kaming anim na buwan para mag-ensayo, sa loob ng anim na buwan ay dapat matuto kami at maging matatag dahil hindi biro ang gagawin namin. Delekado 'tong misyon namin ngayon kumpara sa mga ibinigay sa'min noon, hindi lang isa o dalawa ang kalaban namin kaya lahat kami ay kasama at wala ni isa sa'min ang maiiwan o hindi kikilos.






Walang kaalam-alam sina Psyche, Avi at ang girlfriend ni Jared pati West tungkol sa bagay na 'to kaya ang tanging magagawa lang namin ay mag-bigay ng palusot sa tuwing kailangan namin mag-tungo sa Cielo para mag-ensayo. Mabuti na lang talaga ay may kumpanya kami, magandang palusot ang business trip dahil maliban sa epektibo ito? Hindi rin sila nag-dududa.





Sa totoo lang, bahagyang nag-bago ang ugali ni Psyche. Hindi ko rin maipaliwanag pero mayroon talagang nag-bago sa kaniya, medyo nag-aalala lang ako pero mukha namang okay lang siya kaya hindi ako dapat matakot o mangamba. Isa pa, kung nasa panganib siya ay siguradong sasabihin 'yon sa'kin ni Sir Philip o ng mga kapatid niyang Agent din pala sa Cielo Agency.







Tungkol sa special training na ginagawa namin, kasama sana namin ang mga babae kapag nag-eensayo kami pero dahil hindi makapag-focus ang Legendary Code ay kinailangang ihiwalay ang mga babae sa'min.






Mas mabuti na rin 'yon dahil ang hirap paki-usapan ni Thor, naiintindihan ko namang masaya siya pero huwag niya naman sanang kalimutan ang responsibilidad niya at isa pa, naka-salalay din ang mga buhay namin.





Kapag pumalpak ang gagawin namin, masasayang ang anim na buwan na inilaan namin para mag-ensayo at wala na kaming ibang pag-pipilian kung hindi gawin ang isa pang suhestiyon ni Vice Commander. Sa'ming apat lang ipinaalam ang tungkol doon at wala rin akong ideya kung bakit pero kahit si Captain Light ay walang alam patungkol sa operasyon na 'yon.







Siguradong may dahilan si Vice Commander, hindi naman siya basta na lang gagawa ng desisyon lalo na kapag alam niyang hindi naman makakabuti para sa lahat. Noong nakaraang buwan niya kami kinausap tungkol sa isa pang plano, hindi ko alam kung kailangan niya muli kami kakausapin tungkol doon.





Gagawin namin ang misyon na ito para matigil na ang lahat ng kaguluhan sa buong mundo at para na rin hindi na madamay ang iba pang tao na wala namang kinalaman, mayroong personal na galit ang mga sindikato sa'min. Lalong-lalo na kay Code XV at Dr. Isaac Alonzo, sa madaling salita ay sa mga magulang ni Primo pati Aurora.





Nag-simula ang lahat dahil sa isang gamot na kayang mag-pagaling ng mga sakit, ang pangalan ng gamot na ito ay Miracle Project X o MPX pero mas kilala lang ito sa pangalang Project X. Maliban kay Aurora, may pito pang tao na sumubok ng gamot pero wala namang balita kung nasaan sila.






Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now