II: I'll Be Everything You Need

14 1 0
                                    


*A year later...


**************************


Psyche Valentine Collins



Isang taon na ang nakakalipas mula noong bumalik si Eros sa'min, he already got some of his past memories back but not literally all of it. May mga alaala pa siya na hindi bumabalik at wala kaming ideya kung kailan iyon babalik sa kaniya, hindi rin naman kami nag-mamadali kaya ayos lang kahit medyo matagalan pa ang mga iyon.






Unti-unti na rin namang bumabalik ang dating pag-uugali ni Eros, hindi na mainitin ang ulo niya at higit sa lahat ay natuto na rin siyang maki-sama sa mga nag-aalaga sa kaniya. Before, he's really having a hard time adjusting to all of us, I mean? Except for me but yeah, hindi siya sanay sa lahat. Unti mong sa sarili niyang mga magulang ay nahihiya rin siya.





When Mamá and Papá found him, two weeks pa lang talaga ang nakakalipas mula noong nagising siya. Ang masaklap pa ay wala kami sa tabi niya noong mga panahon na iyon, hindi katulad noong nagising si Aurora when she was in the same situation na lahat halos sila ay nakapaligid na agad sa kaniya.





She and Thorin are in a relationship and of course, What are friends for? Kaya kung nasaan ang leader ng mga pasaway na lutong lupa, nandoon din ang mga ka-uri niya. Sa madaling salita, talagang susunod sina Jared, West at Eros kay Thor.






Mag-kaparehas ang nang yari kay Eros at Aurora, the two of them lost their memories. Ang pinag-kaiba lang ay ang paraan kung paano sila naaksidente at kung gaano ka-tagal nawala ang mga alaala nila. From what I heard, hindi naman talaga nag-karoon ng long term amnesia si Aurora.






She probably lost her memories for a short period of time but still, she did lost a part of her for a while.





On the other hand, Eros lost his memories and until now? Hindi pa rin bumabalik ang lahat-lahat kahit isang taon na ang nakakalipas. Well, a year is still short. But let's not forget the fact that even a single second can change your life, it will still affect you and the people around you.






Ang isa pang nakakalungkot, nakalimutan din ni Eros si Cerberus. In short, literal na ako na ang nag-aalaga sa pusa niya dahil ayaw niya naman itong tanggapin. Eros said "I don't like cats, I prefer dogs" kaya naaawa ako sa pusa niya. I got mad at him because of that, hindi ko talaga siya pinansin!





But then again, it's not like I can do that for a long time.






I don't want to ignore him but c'mon! Cerbe is a smart cat, he can understand us even if he doesn't speak. Marunong siyang sumunod sa utos, he can even comfort you when you're feeling sad or you're crying in the corner and he can also be your personal alarm clock. His method is way better!!





Kapag wala ako sa mansyon, si Ate Valerie lang ang kasama niya doon o hindi naman kaya ay si Dad. Speaking of Dad, he seems happy these days. I don't know what's going on in his life, hindi naman ako nakiki-alam sa mga ginagawa niya but if you're gonna ask me? May napapansin na talaga ako.






It's like he's in love or what, huling beses ko siyang nakita na ganiyan ay noong nabubuhay pa si Mom. Bata pa ako 'non, I can't literally remember my whole childhood but I'm sure that the last time I saw him like that was when he was still with Mom and all of us are having fun together.





I want to ask him sometimes, hindi ko lang magawa kase baka isipin niya na tumututol ako sa kung ano man ang ginagawa niya sa buhay niya ngayon. I care about him because he's my Dad, Oo marami kaming hindi pag-kaka unawaan pero hindi ko maitatatwa na Ama ko siya at Anak niya ako.






Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now