**************************
Jonathan Eros Rodriguez
Kanina pa ako nandito sa kwarto ko, ito mismo ang kwarto kung saan kami natutulog ni Psyche noon. Hiindi ako tumutulong sa mga ginagawa nilang lahat. Hindi naman sa ayaw ko dahil hindi para sa'kin o para sa'min ni Psyche ang okasyon ngayon pero masama kase ang pakiramdam ko.
Hindi ko pa nasasabi sa iba dahil mukhang abala sila.
Wala naman akong maalala na may ginawa akong magiging dahilan para nag-kasakit ako pero nandito na 'to kaya wala na rin akong magagawa, kailangan ko na lang mag-pagaling para hindi ako maging pabigat sa kanilang lahat. Lalo na kay Thor pati na kay Avianna. Nandito sila para mag-saya, hindi para mag-alaga ng taong mayroong sakit.
Isa pa, ayokong mahawa sila. Kung pati silang mga kasama ko dito sa penthouse ay mahahawa sa sakit ko, automatiko kong sisisihin 'yung sarili ko dahil kasalanan ko rin naman talaga kung nag-karoon sila ng sakit.
Habang naka-higa ako sa kama, iniisip ko kung ano na ang ginagawa ni Psyche. Narinig ko kase na nag-uusap sina Thor at Jared kanina, naka-tulog daw si AL pati si Aurora habang sina Riane, Trinity at Cece naman ay mga tulog na rin. Mukhang okay na ang pakiramdam ng mga babae dahil tapos na silang maka-ganti at mabuti na lang ay naka-ligtas ako.
Bago kase sila pumasok kanina, umalis na kaagad ako. Kabisado ko na ang buong penthouse ni West dahil halos isang taon din akong tumira dito kasama si Psyche, alam ko kung nasaan ang mga pintuan kung saan pwedeng pumasok o lumabas. Maalala ko lang rin na may ginawa akong lagusan papunta sa basement ng penthouse na 'to, doon ako dumaan kanina.
Kapag nag-pakita ako sa kanilang lahat lalo na kay Trinity ay siguradong bugbog de gulat din ang aabutin ko katulad nila Thor, West, Jared at North.
Hindi naman nila magagawang saktan sina Primo pati Reidly, maliban na lang kung sila si Trinity. Siya lang kase ang kilala kong kinatatakutan ng mga 'yon at kahit gaano pa sila ka-galing na Agent, wala pa rin talaga silang palag sa kaniya.
Maya-maya ng kaunti, may biglang kumatok sa pintuan kaya sandali muna akong tumayo para pag-buksan ang kung sino mang nasa labas ng pinto ko ngayon. Kakain na ba? Naaamoy ko na kase ang mga pag-kain kanina pa pero hindi pa naman ako gutom saka wala rin akong gana kaya hindi muna ako kakain, mamaya na lang siguro.
Pag-bukas ko ng pinto, si North kaagad ang nakita ko.
"Dude, bakit?". I asked him.
"Malapit na tayong kumain, hindi ka pa ba bababa?". Pabalik niya namang tanong. Wala talaga akong ganang kumain kahit gusto ko naman, ewan ko rin kung bakit.
"Nah, I don't have an appetite". Tugon ko.
"Pati namumutla ka, okay ka lang ba?". Pabulong niyang tanong.
"I'm obviously having a fever but why are you whispering?". I asked him again. I mean, he wouldn't whisper if nothing is going on, right? He's not a quiet person like myself or West himself.
"Dude, tulog kase si Psyche sa kabilang kwarto. Alam mo naman ang ugali niya, diba? Ayaw 'non ng ingay lalo na kapag natutulog siya, siguradong lasing nanaman 'yon". Paliwanag naman ni North sa'kin kung bakit siya bumubulong.

YOU ARE READING
Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2)
ActionThis is Book 2 of Kings Of Valentine #2 - Connecting Threads Once awhile, right in the middle of ordinary life, love gives us a fairy tale. Their fingers entwined slowly then suddenly, life made sense. If you don't think photos are important, wait...