II: Boy Meets Evil

8 1 0
                                        



*2 months later..


**************************



Jonathan Eros Rodriguez



It's been two months since Thor got into an accident, it's an unwanted one and honestly speaking? None of us expected that something like that would happened. He's doing fine now though. He just got discharge from the hospital but instead of resting, he actually went out with us. We went to Cielo to find more about the so-called Zombie Virus 1995 or also known as ZV95.





Ang virus na 'yon ay delekado pero hindi ako makapaniwala dahil tao lamang ang may gawa 'non at mukhang kilala na namin ang kung sino mang gumawa ng virus na kumakalat pa rin hanggang sa kasalukuyan. Mayroong sapat na impormasyon ang Cielo Agency, mukhang si Tita Adrianna ang pinaka-nakakakilala sa taong nag-imbento ng hindi pang karaniwang sakit.






Siyempre hindi kami natutuwa tungkol sa balitang natanggap namin, ang lalaking umatake kay Thorin ay kilala ni Aurora pati na ni Primo dahil dati pala nila itong empleyado. Driver nila si Mang Julio, mayroon siyang anak na namatay dahil sa sakit sa puso pero dahil sa virus na nasa sistema niya? Wala na siya sa sarili niya, hindi niya na alam ang totoo at hindi totoo.







Iniisip niya na si Aurora ang dahilan kung bakit nawala ang anak niya kaya niya ito gustong saktan pero hindi ko alam kung paano siya napunta sa camp site kung saan kami noong huling gabi ng anibersaryo ng St. Valentine sa lugar na 'yon. Hindi ako sigurado pero mukhang may nag-dala sa kaniya doon, mayroong tumulong sa kaniya para makarating sa kinaroroonan namin.







Kung mag-isa lang siya, malabong basta niya na lang kami mahahanap o makikita dahil hindi naman siya nakatira sa lugar na 'yon. Ang pag-kaka alam ko ay taga-San Nicolas din si Mang Julio pati na ang babae niyang anak na si Dahlia? Hindi ako sigurado sa pangalan pero mukhang tama naman ang nasa isip ko, hindi ko na kase tinanong ang tungkol sa kaniya.





Habang nasa Cielo kami kanina, muntik pa atang mag-karoon ng lover's quarrel sina Thor at Aurora. Bakit? Kase kakalabas lang ni Thor sa ospital tapos nag-pumilit siya na sumama sa'min kahit wala namang nag-sasabi na kailangan din siya.






Mas mabuti naman talaga kung sasama siya pero ayos lang din naman kung hindi dahil pwede namang kami na lang mismo ang mag-sabi sa kaniya tungkol sa pinag-usapan namin. Pasaway talaga si Thor kahit kailan, sumusunod naman siya sa utos pero sa totoo lang ay ang gusto niya pa rin ang nasusunod sa huli.






Hindi natuwa si Aurora nang makita niya si Thor kanina dahil ang alam niya ay nag-papahinga si Thor pero hindi naman pala. Sinabihan na namin siya, paulit-ulit pa nga kaming dalawa ni West dahil nakakatakot din kapag nagalit si Aurora. Pero mas takot ako sa girlfriend ni Jared, maliban kay Psyche? Takot rin ako kay AL, hindi ko na sasabihin kung bakit...






Tungkol pa sa ZV95 o Zombie Virus 1995, memory distortion ang unang sintomas ng sakit na ito. Iyon ang nararanasan ni Mang Julio hanggang ngayon at sigurado akong sa mga susunod pang araw ay mas lalong magiging malala ang sitwasyon niya.






Zombie Virus 1995 ang tawag sa sakit dahil literal na nagiging patay na buhay ang mga naapektuhan nito, katulad sa mga palabas na napapanood natin? Unti-unti rin silang nawawala sa sarili hanggang sa tuluyan nang hindi gumana ang mga utak nila na nagiging dahilan kung bakit pati ang kapwa nila ay gusto nilang kainin na para bang ulam.






Kasama namin sina Tito Isaac, Tita Adrianna, Primo, Aurora at iba pang miyembro ng Sector 1 mula sa Team 3. Kahit si Captain Light o Code X ay kasama rin namin kanina, parang ang tagal ko rin siyang hindi nakita. Palagi kase siyang abala, sina Abigail at Nikka ang kasama niya sa mga misyon. Hindi sila masyadong pag-dududahan kapag sila-sila lang.






Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now