II: Moment Of Truth

9 1 0
                                    



*1 week later..


**************************



Psyche Valentine Collins




Because of me, all of us had to stay behind for another three days. Surprisingly, none of them complained about it. Natuwa pa nga sila dahil na-extend ang bakasyon nilang lahat, after all? Ako ang Chairwoman ng St. Valentine. I can do whatever I want for as long as it's not illegal, hindi naman ata masama ang lumiban sa klase ng ilang araw diba?







Mataas na lagnat lang naman ang meron ako, that's nothing compare to I've been through before. Mabilis namang naagapan kaya hindi na lumala, isa pa? Ang dami ko kayang taga-alaga mula umaga hanggang gabi. Palit-palitan silang lahat but I actually have a question, I saw Eros. He was sleeping beside me.





Hindi literal na "beside me" okay? Naka-upo siya sa gilid ng kama ko tapos doon siya natutulog, he was even holding my hand at that time. I didn't took back my hand though, mukha kaseng mahimbing na ang tulog niya at ayaw ko namang maka-istorbo.






But the problem was that I don't have any idea if that was true or I was just fucking hallucinating, I mean? May sakit ako kaya hindi ko alam kung tama pa ba ang mga nakikita ko o hindi na dahil sanhi lang 'yon ng hallucination. Nang yayari naman ang ganong bagay minsan, lalo na kapag masama talaga ng todo ang pakiramdam mo.






Another thing was that all of my Cousins were acting weird after knowing that I got sick, are they actually thinking about our family's health condition?? Iniisip ba nila na nag-sisimula na rin akong mag-karoon ng sakit katulad ni Mom? That one day, I would also die like her?






Sigurado akong 'yon ang nasa isip nilang tatlo, lalo na ni Kuya Reidly. Ang pinaka weird na nang yari? Ayaw nila akong umuwi dahil natatakot sila for no good reason, baka raw kase magalit si Dad and blah blah blah. Una sa lahat, bakit naman siya magagalit? Ano'ng reason?? I was asking them but they can't even give me an example, not even Kuya Reidly can provide.





Alam ko namang may maluwag silang turnilyo sa mga utak nila pero hindi ko inaasahan na ganito pala ang epekto 'non. Well, ang mahalaga ngayon ay maayos na ang pakiramdam ko. I'm no longer feeling under the weather. Iyon din naman ang gusto nilang lahat, lalo na sina Riane, Avi, Cece, AL, and Aurora.





At dahil naka-balik na kaming lahat sa San Nicolas, balik na rin ang lahat-lahat sa dati. Yes, including the fact that Eros and I are ignoring each other most of the time. Nag-uusap naman kaming dalawa lalo na kapag work related pero tungkol sa nakaraan namin? Oh hell, no! I'm not avoiding it though.





Ayoko lang mag-first move!





Wala sa vocabulary ko ang dalawang word na "first" at "move" kaya matira matibay na lang kami. I mean, bakit ko kailangang mag-first move? Dahil ako ang nang iwan? Is that even a rule? Well, it's unfair!! A woman should never make the first move!







Hindi naman kami mga lalaki, bakit? Babae na ba ang dapat manligaw sa generation na 'to?! Hindi naman, diba?! Kaya no freaking way! Hindi ako ang gagawa ng first move! Yes, I love Eros so much! But me, making the first move?! Fuck it! Ayoko!!





But speaking of our wonderful stay in West's penthouse, we took a lot of pictures before we left. Hindi na ako masyadong naging kill joy, hinayaan ko na lang sila na isama ako sa litrato dahil hindi rin naman magandang tingnan kung nandoon silang lahat tapos wala ako, diba? Nandoon na lang din ako, bakit hindi pa ako sumama at maki-sali sa kanila?







Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now