II: Beauty And A Beat

22 2 0
                                    




**************************

Psyche Valentine Collins


Riane texted me earlier, she clearly told me that I have to be in Pandora by exactly ten o'clock in the evening or else? I will have to pay for everything and if I refuse, I don't want to know the consequences. I'm sure that I will have to grant their wishes and one of them might even wish for something ridiculous.






Trinity, Riane and Avi are not as nice as they seem, lalong lalo na si Trinity at Riane. Talagang mga wala silang awa o patawad pag-dating sa mga ganitong bagay kaya hangga't maaari talaga ay ayokong naiipit sa sitwasyon na kailangan kong gawin ang utos o kailangan kong tuparin ang mga hiling nila. Well, compare to those two devil's? Avi is much more considerate and nice.





Si Avi lang naman talaga ang mabait sa'min pero kung kumpleto kaming lahat? Siguro pati si Suzy ay kasama rin. May dalawang mood si Janice, minsan mabait siya pero minsan naman ay mas masungit at mataray pa siya kaysa sa'min nila Trinity at Riane. Kapag mag-kakasama kami, normal na ako ang panimula ng mga kalokohan pero sinasabayan naman nila ako.






Ako ang dahilan kung bakit sila natutong uminom ng iba't-ibang klase ng mga alak, kung bakit sila natutong tumakas kapag ayaw nila 'yung subject, kung paano sila maging pilya, at ako rin ang nag-turo sa kanila na huwag silang iiyak o mag-tatago sa iisang gilid kapag mayroong umaapi sa kanila.





Someone used to bully Avianna and knowing her? She won't fight back no matter what but then again, even if we were not around? Primo will always come and save her. He's just like a knight and shining armour and that's the reason kung bakit 'yung kanta ni Taylor Swift na "Love story" ang theme song nilang dalawa mula pa noon.





I admit it but honestly, I used to envy Avianna a lot back then because she has Primo. Kahit noong mga bata pa lang kaming lahat, Primo and her are always together and sometimes? They used to left us then they'd hang out alone. Malalaman na lang namin na nag-punta sila sa kung saan kapag hinanap na sila ni Tito Romulus o ni Tita Adella.






Avianna and I has the same age with Eros, Thorin, and Jared themselves pero ang palagi namin kasama ay sina Trinity, Riane, Primo, at Kuya Reidly na medyo malayo ang edad sa'min.





Nang makilala namin sina Mace at Ram, naging kasa-kasama na rin namin sila pero hindi naman palagi dahil strict ang parents nilang dalawa and they are doomed kapag gumawa sila ng kalokohan na malalaman ng buong mundo.






Nakita na namin kung ano ang mang yayari kapag nalaman ng mga magulang nila na mayroon silang ginawa na hindi maganda o hindi kaaya-aya, and trust me dahil nakakatakot ang parents nilang dalawa lalong lalo na ng mga magulang ni Ramiel.





Now, I think Ram and Mace have become matured. Siyempre hindi pa rin mawawala ang kaunting kalokohan dahil iyon nga ang dahilan kung bakit naging mag-kakaibigan kaming lahat pero sigurado akong matino na sila mag-isip, hindi na katulad dati na puro maling desisyon lang ang alam nilang gawin.




But to be exact, Mace himself is the worst one compare to Ram who's still using his brain cells a little bit. Kapag siya ang in charge sa Pandora, wala na siyang ginawa kung hindi mag-pa party mula alas-diyes ng gabi hanggang sa lumabas muli ang haring araw.





He knew how to threw an awesome party that you won't be able to forget! And that's what I actually like about him. But don't get me wrong, hindi kami talo ni Mace. We're just best friends, nothing more and nothing less.




Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2) Where stories live. Discover now