*1 month later...
**************************
Jonathan Eros Rodriguez
Sa loob lang ng ilang linggo, puro magagandang balita ang natatanggap namin. Naka-pasa si Aurora sa Acceleration Test na kinuha niya kaya makaka-sabay na siya sa'min, graduate na rin si Thor sa unang kurso na kinuha niya at kahit papaano ay maayos na ang sitwasyon ni Avianna. Hindi na ako nag-aalala ng todo pero kailangan niya pa rin talaga ng makaka-sama.
Panatag naman ang loob ko dahil may mga kaibigan si Avi at nandiyan din si Primo, sigurado akong hindi nila pababayaan ang Pinsan ko. Masaya ako dahil nandiyan sila para sa kaniya at kahit wala na ako, alam kong mananatili pa rin sila.
Hindi ito ang oras para makaramdam ng lungkot, oras ng selebrasyon ngayon. Dapat kaming mag-pasalamat sa mga biyaya na natanggap namin, isa pa? Masaya talaga kami dahil kahit hindi naalala ni Aurora ang lahat ay hindi niya naman nakalimutan si Thorin. Dibali nang makalimutan niya kami, basta huwag lang ang kaibigan namin.
Ngayon, kasalukuyan kaming nandito sa Penthouse ni West at abala kami sa pag-aayos ng mga dekorasyon dahil dito mismo sa lugar na 'to namin ipagdiriwang ang mga balita na natanggap nilang lahat. Imbitado ang lahat, siguradong kahit si Psyche ay dadalo rin dahil si Thor na mismo ang naki-usap sa kaniya na sumama siya tapos pati na rin si Avianna ay kinausap na rin siya tungkol sa bagay na 'yon.
Sabi ni Avianna sa'kin, pupunta raw si Psyche. Mag-kasabay daw silang pupunta para talagang walang takas ang kaibigan niyang hindi raw maintindihan kung bakit nahihiya. Ako raw ang dahilan kung bakit nahihiya si Psyche, wala rin akong ideya kung bakit siya nahihiya sa'kin. Wala naman akong maalala na may ginawa siyang nakaka-hiya sa harapan ko.
Itatanong ko na lang siguro sa kaniya mamaya ang tungkol sa bagay na 'yon, sa ngayon ay mas mabuti pang tapusin ko muna ang ginagawa ko dahil kailangan ko pang bigyan ng pag-kain si Cerbe. Baka magutom siya at bigla nanamang mag-tampo sa'kin.
"West!! Tangina!! Tulong!". Natatarantang sigaw ni North.
"What the hell is wrong with you?". Walang ganang sagot ni West sa kakambal niya. North was basically pointing to my cat, don't tell me he's afraid of cats?
"What the hell, Dude? Are you fucking serious? That's just a normal cat. It can't eat you alive so fuck off and continue what you're doing so we can all rest". Paalala naman ni West.
"Eros!! 'yung pusa mo!! Ilayo mo 'yan sa'kin!!". Reklamo ni North.
"Dude, Cerbe doesn't bite dumb people so you're safe. He won't come near you either because you stink". Tugon ko sa kaniya habang nilalagyan ko ng hangin ang mga lobo gamit ang binili ni West na helium tank.
Tumawa si Jared pati na si West, abala rin silang dalawa sa mga ginagawa nila katulad ko. Si Jared ang nag-aayos ng mga banderitas, si West naman ang nag-hihiwa ng mga ingredients na isasahog namin sa mga pag-kain. Kami na rin kase ang mag-hahanda ng pag-kain, hindi kami bibili sa labas o hindi naman kaya ay mag-papa luto.
Maya-maya pa ng kaunti, biglang tumalon si Cerbe kay North kaya agad itong tumayo at itinaboy ang alaga ko. Tumakbo siya palayo kaya mas lalo siyang hinabol ni Cerbe, wala na akong magagawa tungkol sa bagay na 'yan dahil akala ng alaga ko ay nakikipag-laro rin siya. Kung ako sa kaniya ay hindi ako gagalaw hanggang sa tumigil rin si Cerbe.
YOU ARE READING
Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2)
ActionThis is Book 2 of Kings Of Valentine #2 - Connecting Threads Once awhile, right in the middle of ordinary life, love gives us a fairy tale. Their fingers entwined slowly then suddenly, life made sense. If you don't think photos are important, wait...
