**************************
Psyche Valentine Collins
Nang makarating kami sa pansamantala kong opisina, kahit pagod at pinag-papawisan ay hindi na muna ako nag-pahinga. Sa halip ay inayos ko agad ang mga gamit ko, kabisado ko naman ang itsura ng office table ko kaya wala akong problema. Sunod-sunod ang pag-dating ng mga box, medyo marami pala akong gamit at ngayon ko lang napag-tanto ang bagay na 'yon.
Well, ang dahilan naman kung bakit marami akong gamit ay dahil sa mga folders na ibinibigay ni Ms. Viloria sa'kin. In other words, these folders are all hers and not mine to begin with but since she assigned these to me then I guess it's mine now.
Limang box ang nandito ngayon, may pang-anim pa pero iyon naman na ang huli. Hindi na masyadong importante ang mga naka-lagay doon kaya ayos lang na mahuli 'yon. Ngayon ay kasalukuyan na akong nag-aayos ng office table ko, ako lang ang nandito sa loob. It's a small space, nasa 17th floor ako habang ang opisina naman ni Eros ay nasa 20th floor.
Inilabas ko muna ang mga folders na naka-lagay sa loob ng dalawang box then I alphabetically arranged it para hindi ako malito, mas madali ko kaseng mahahanap ang kailangan ko kung maayos itong naka-arrange sa shelf. Kumpleto naman ang mga furnitures dito sa pansamantala kong opisina, at least mukhang natural na talagang dito ako nananatili.
Makalipas ang ilang minuto, dumating na rin ang pinaka huling kahon kaya kumpleto na ang mga gamit ko. Nandito na ang lahat at wala na akong dapat intindihin pa. I mean, meron pa pala dahil hindi pa ako tapos mag-ayos. Inuna ko na muna ang mga folders dahil madali lang naman ito, all I have to do is arrange it in alphabetical manner.
Avianna texted me a few minutes ago, she told me that I still have three hours to take care of everything.
She literally made sure that Mrs. Rodriguez's flight will have a delay for at least one to two hours, hindi naman malapit ang NAIA Airport kaya sigurado na aabutin din ng ilang oras bago siya makarating sa kumpanya. And by the time that she arrived? Everything is already settled.
"Ma'am, kailangan niyo po ba ng tulong?". Someone asked me.
Sandali akong humarap sa direksyon nila tapos ngumiti ako.
"I can manage but thanks for the offer though, I'm so sorry to bother all of you and I'm really grateful for your help". Tugon ko sa tanong niya. All of them are nice, I actually wanted to treat them but now is not the right time to do that.
"Wala pong anuman, Ma'am. Nasa kabilang silid lang po kami kung kailangan niyo ng tulong namin". Sagot ng isa sa kanila.
"Gusto ko kayong I-treat pero busy pa kase ako, pwede bang sa susunod na lang ako bumawi?". Masaya kong tanong.
They all nodded and smiled. "Opo, Ma'am! Salamat po!". Iisa lang sila ng sagot kaya sabay-sabay nilang sinabi 'yon.
"Great! Thank you for helping me out, alam kong busy rin kayo ngayong araw kaya pwede niyo na akong iwan". I uttered nonchalantly then I smiled genuinely.
Mabilis lang silang nag-paalam, matapos 'non ay agad silang lumakad palabas. Tuluyan na akong naiwan mag-isa pero ayos lang naman dahil abala ako ngayon, kailangan kong mag-madali sa pag-aayos ng mga gamit ko. Dapat akong matapos bago pa dumating ang Mom ni Eros, why? Because I have no choice.
YOU ARE READING
Connecting Threads (Book 2 of KOV series #2)
ActionThis is Book 2 of Kings Of Valentine #2 - Connecting Threads Once awhile, right in the middle of ordinary life, love gives us a fairy tale. Their fingers entwined slowly then suddenly, life made sense. If you don't think photos are important, wait...
