TKP 38

95K 2.3K 688
                                    

TKP 38

Wala akong tigil sa pagsigaw sa ilalim ng unan at pagpapadyak habang nakahiga sa kama. It happended! Nagkiss kami ni Pierce! Smack lang iyon pero ang saya saya ko! Para bang first time lang iyon kahit na si Kharl na ang first kiss ko.

Inalala ko ang nangyari pagkatapos nun. Pulang pula sya pagkatapos samantalang ako ay hindi makagalaw at kumu-kurap kurap pa.

Alam kong hindi na iyon ang first kiss nya. Imposible namang ako lang at si Elaine palang ang nahahalikan nya. Siguradong may ibang babae parin. Tahimik sya pero sigurado akong nakahalik na sya ng ibang labi ng babae.

Matapos nyang sumakay sa motor nya ay tumingin ulit sya saakin kahit na hindi nya na mai-focus ang mga mata nya. 

"Good night." Aniya. Tumingin sya sa harapan at mariin nyang nakagat ang labi nya.

Hindi na ako nakapagsalita nun hanggang sa dahan-dahan syang makaalis. Tinanaw ko na lamang ang motor nya hanggang sa mawala iyon.

Nakagat ko ang labi ko habang inaalala ang mukha ni Pierce. Ang tindig nya at kung paano sya gumalaw. Ang mga paghawi nya ng buhok at pag-iiwas nya ng tingin. Lahat iyon ay kahanga-hanga. Lahat iyon ay nagmimistulang magandang tanawin saakin.

Tinabi ko ang kauna-unahang rose na ibinigay saakin ni Pierce sa tabi ng paborito kong notebook. Binigyan na ako ni Kharl noon ng roses, ng bouquet pero iba noong si Pierce na. Bakit ganun?

Tinitigan kong mabuti ang anklet na ibinigay saakin ni Pierce. White gold iyon, manipis at may isang maliit na hugis pusong pendant na may diamond sa pinaka-gitna.

"Ang ganda.." Wala sa wisyong sabi ko, nakatulala lamang sa anket. Maingat kong tinaggal ang anklet sa paa ko. Tinabi ko iyon sa loob ng drawer ko sa tabi ng puting panyo na ibinigay saakin noon ni Pierce.

Lumabas ako ng kwarto nang tuwang-tuwa habang katext si Pierce. Wala si mama at tanging si Sam na nanunuod lamang ng TV ang kasama ko. 9 PM na rin.

"Ate, bakla ba talaga 'yun? Bakit nagkiss kayo?" Tanong ni Sam habang titig na titig parin sa TV.

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong ng nakababatang kapatid ko. "Anong--" Nanlaki lalo ang mga mata ko. "Nakita mo?"

Ngumisi sya at napa-iling na lamang. "Bakla pala ah.." Tumawa pa sya ng nanunukso.

Naalala ko tuloy na sinabi ko sa kanyang bakla si Pierce. Nagbuntong hininga ako. Malalaman din naman ni mama kaya hindi ko na kailangang itago pa kay Sam, hindi na siguro.

"Boyfriend ko 'yun.." Napangiti pa ako habang iniisip si Pierce.

Ang sarap sabihin.

Nakataas ang dalawang kilay nya na tumingin saakin. "Eh si kuya Kharl?"

Nawala ang ngiti ko at kumunot ang labi ko. Ano naman si Kharl? "Matagal na kaming wala nun, wala ka bang alam?" Naiiritang tanong ko sa kanya.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon