TKP 10

101K 2.6K 403
                                    

10: Move On

Kanina pa nag simulang mag lakad si Pierce, at eto lang ako, sumusunod sa kanya. Ganito ba sya mag cut? Palaboy-laboy? Medyo mabagal ang lakad nya at nakakatuwang titigan ang likod nya. Sumusunod lang ako kung saan sya pumupunta.

"Ahm.." Kumamot ako sa ulo ko. Kanina pa kasi kami nag lalakad at halos malibot na namin ang buong school. "Saan ba tayo pupunta, Pierce?"

Iritado syang lumingon saakin, at dahil doon ay napatigil sya sa pag lalakad. Ngayon lang ata nya naalala na may kasama sya? Napunta ang index finger nya sa kilay nyang medyo natatakpan ng may pagka-dark brown nyang buhok. Sa tingin ko ay natural na kulay yun.

Tumikhim ako bago ulit mag salita. "Ah.. eh, saan ka ba madalas mag punta kapag nag cu-cut ka?" Tanong ko dahil mukha ata syang frustrated sa pag iisip.

"Sa dulo sa likod ng court," Bulong nya pero may hinahanap ang mata nya. Buti na lang talaga ay malakas ang pandinig ko. "Usually to smoke.." Tumingin sya sakin at tumindig ang balahibo ko sa simpleng sulyap nya na yun.

"S-so.. doon ba tayo pupunta?" Tanong ko. Naalala kong dinalana nya na ako doon, noong hinila nya ako mula kay Kharl. Nag iwas ako ng tingin sa kanya. Nakatingin lang naman sya saakin, hindi nakatitig, pero parang nakakalusaw talaga ang bawat sulyap nya.

"Nope, that place is too.. deserted.." Aniya't nag iwas rin sa wakas ng tingin. "Not a place you'd like."

"Pero doon ka palagi diba? Bakit hindi na lang dun?" Tanong ko at sumulyap sa ilang pagala-galang estudyante na tumitingin saamin. Yung isa ay wagas kung wagas kung maka-siko sa kasama nya habang nginunguso ang katabi kong si Pierce na nakahawak ang isang kamay sa batok at diretsong nakatingin na medyo nakataas ang noo.

Humagikgik pa sila sabay alis habang patuloy ang pag papantasya sa katabi ko.

"Ano, doon na lang tayo? Dali na.. baka may makakita pa sa atin dito eh. Isumbong pa tayong nag cu-cut." Buntong hininga ko.

Humikab si Pierce. Nakagat ko ang labi ko dahil pati ang pag hikab nya ay napapa-awang ng labi ko! Kahit anong gawin nya, ang gwapo nya parin. "Don't talk, Princess." Aniya.

Ayaw nya siguro talaga sa mga taong madaldal. Pero nag sasalita lang naman ako a? Kailangan naming mag hanap ng lugar para mapag-stayan. Baka may makita saamin at sabihing nag ka-cut kami.

"Im hungry.." Paos na sabi nya.

Kumunot ang noo ko at napatitig sa kanya. Nag lakad lang sya nang walang pasabi o pag aaya man lang. Sumunod ako sa kanya, pumunta sya sa counter ng canteen at bumili. Hinintay ko lang sya at tumayo sa tabi ng isang lamesa. Pati ang pakikipag usap nya sa nag bebenta saamin ay pinapanuod ko na. Nakakabighani. Posible pala yun? Na pati pag bili ng isang tao, nakaka.. tuwa?

Kinuha nya ang inabot sa kanya ng kinikilig na tindera habang seryoso parin ang mukha nya. Hindi naman sa seryoso, para lang syang walang pakialam. Tipong, hindi mo gustong banggain. Yung kakatakutan mo, yung may pa badboy look. Yung tipo na.. masarap paibigin. Ahh-- ano ba itong naiisip ko? Kailan pa ako nag kagusto sa mga pa-badboy type?

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon