TKP 15

81.2K 2.5K 321
                                    

15: Group Report

Saturday ngayon at walang pasok. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko mula sa ilalim ng unan. 9 na ng umaga at ngayon lang ako nagising.

Nakita ko rin ang 3 messages doon. Kinusot ko ang mata ko at humiga sa kama bago tignan ang mga text.

Ang isa doon ay kay Loraine, kay Victoria at sa isang unknown number.

Una kong binuksan ang kay Loraine.

From Loraine:

Uy, gala? :D

Agad akong nagtype. Tinatamad ako ngayong araw at ang balak ko lang ay magstay sa bahay buong araw.

To Loraine:

Sorry tinatamad ako Lor. :)

Chicneck ko naman ang kay Victoria na ikinagulat ko.

From Victoria:

Pupunta kami ng bahay mo ngayon. Yung project natin sa Mapeh.

Nanlaki ang mata ko at nakitang kakatext nya lang nun. Bakit naman pupunta dito si Victoria? Hindi sya ang tipo ng estudyante na may pakialam sa project.

To Victoria:

Hindi pwede sa bahay namin.

Nang maisend ko iyon ay tinignan ko ang huling message ng isang unknown number.

From unknown number:

Si Elaine to. Sana magkausap tayo. :) Please save my number.

Nakagat ko ang labi ko. Elaine. Sya pala ang nagtext saakin kahapon.

Dumagsa na naman ang insecurities ko sa katawan. Bakit naman kailangan pa nyang sabihin saakin na isave ko ang number nya? Friendly lang masyado? Pwede ba, hwag na kaming magplastikan dahil nasa kanya na naman si Kharl.

Nagreply agad ako.

To Elaine:

Okay. Bakit gusto mong magusap tayo?

Nakahawak lang ako sa phone ko at naghintay ng magtetext sa kanila. Nang magvibrate ang phone ko ay inakala kong iyon si Elaine. Pero si Victoria lang pala.

From Victoria:

K.

Napairap na lang ako at tumayo na para mag-almusal. Nakatapos na akong kumain pero wala pang text si Elaine saakin pabalik. Si Loraine ay pinilit lang ako pero hindi ko talaga trip na lumabas ngayon.

Nasa kwarto ulit ako at nicheck ang facebook nang makitang may dalawa akong friend request.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon