TKP 19

78.7K 2K 269
                                    

19: Sorry

Matapos ibaba ni Pierce ang tawag ay para akong tangang nahiga sa kama. Inisip ko lang ng inisip si Pierce. Nababaliw na ba ako? Bakit kasi ganun ka-gwapo ang itsura ng lalaking iyon?

Ang perpekto nyang asian haircut. Medyo mahaba iyon at medyo magulo. Hindi sya naglalagay ng wax o ng gel, pero tingin ko ay mas bagay sa kanya ang wala. Ang medyo ma-angas na kilay nya na lalong nagdagdag ng snobbish look sa mukha nya, ang masungit nyang mata, ang perpektong tangos ng ilong nya! At ang labi nyang.. manipis at mapula. Ang ganda ng labi nya, lalo na kapag ngumingisi at ngumingiti sya.

Bakit ganun sya kaperpekto? Kaya pala talaga madami agad ang nagkacrush sa kanya noong unang lipat palang nya. Kaya naman baliw na baliw sa kanya si Victoria.

May girlfriend kaya yun? Ex? Nililigawan? Kinakabaliwan? Kinabaliwan?

Ahh! Nasisira na ang ulo ko sa kakaisip kay Pierce! I-stalk ko kaya sya?

Nasapok ko ang sarili ko sa mga naiisip. Tama na. Hindi ka dapat mabaliw ng sobrang baliw sa isang lalaki.

Tumayo ako at tumulong lang sa paglilinis kila mama, nakipagchat kay Loraine at nanatili lang sa bahay buong magdamag hanggang sa sumapit ang 3:50 sa orasan ko. Inayos ko na ang sarili ko at makikipagkita pa ako kay Elaine.

Nagvibrate ang cellphone ko at nakitang may text si Elaine.

From Elaine:

Don't forget ah. :) ayokong maghintay eh.

Napairap ako at napabuntong hininga. Wala naman syang ginagawa o sinasabing mali ay naiinis ako. Ano bang problema ko?

Inayos kong mabuti ang buhok ko sa salamin. Si Elaine ay palaging ayos na ayos ang buhok. Naglagay ako ng powder sa mukha, kagaya ni Elaine na parang kahit minsan ay hindi ko pa nakikitang oily. Nagpabango ako dahil si Elaine ay mukhang palaging mabango.

Ano kayang nagustuhan sa kanya ni Kharl? Is it about the look ? The attitude? The chase? Her humor? Her innocent face? Ano kaya? Pagiging mahinhin ba? Pagiging sikat nya? Ano ba?

Lumabas na ako ng bahay na nakasuot lamang ng maong shorts at tee shirt.

Nang makarating ako doon ay wala pa sya. Umupo lang ako doon sa isang bench na medyo malayo sa lahat at nanuod ng mga lalaking nagbabasketball sa malayo.

"Hey!" May narinig agad akong magandang boses na tumawag.

Nilingon ko sya at nakita ang isang magandang babae na naglalakad. Nakakainggit ang way ng paglakad at pagtayo nya. Ang buhok nyang straight na straight ay medyo sinasalubong ng hangin. Medyo namumula pa ang pisngi nya na dulot yata ng blush on.

Hindi ko alam kung ano ang itsura ko hanggang sa makarating sya. Alam mo yung pakiramdam na sobra kang naiinsecure? Sobrang sakit pala sa kalooban na sobra kang naiinggit.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon