TKP 32

94.2K 2.7K 534
                                    

TKP 32

Inayos kong mabuti ang buhok ko. Hindi ako kagandahan pero pakiramdam ko ay magandang-maganda ako sa tuwing titingin saakin si Pierce. 'Yung tingin pa naman nya ay para bang ngayon lang nakakita ng isang bagay na gustong-gusto nya pero ayaw nyang aminin.

Hindi ko parin matanggal sa isip ko ang nangyari kahapon. Tinanong nya ako kung pwede syang manligaw. Hinalikan nya ang kamay ko. Hindi ko kahit kailan naisip na kaya nyang gawin 'yun.

Kumunot ang noo ko nang makitang may text ulit saakin si Elaine.

From Elaine:

Princess.

Iyon palagi ang laman ng text nya. Mula kahapon ay nagtetext sya saakin na puro pangalan ko lang naman ang laman. Hindi ako nagrereply sa kanya. Malamang ay umabot na sa kanya ang balita. Hindi ko lang alam kung tama ba o mali ang alam nya.

Muli kong inayos ang buhok ko sa salamin. Napasimangot ako nang napagtantong hindi talaga ako maganda. Hindi rin ako pangit. 'Yung sakto lang.

Nagbuntong hininga ako at napagdesisyunang umalis na ng bahay.

Hindi nagbago ang nararamdaman ko. Kinakabahan parin ako kagaya ng kahapon. Hinihintay kaya ulit ako ni Pierce? Siguro ay hindi na. Baka kahapon lang.

Pagdating ko sa school namin ay nakita ko agad si Pierce na nakapwesto ulit sa dati nyang inuupuan. Marami uling babae doon at nagtitinginan parin. Wala kaya silang ginagawa sa buhay nila dito sa school?

"Pierce," Tawag ko sa kanya dahil naabutan ko syang naka-yuko sa phone nya habang nagta-type. Tinetext nya ako, nakita ko sa phonr nya.

Nag-angat sya ng mukha. Ang inosente ngunit medyo maangas nyang itsura ay lalo na namang pina-mukha saakin na hindi talaga kami bagay.

Ang gwapo gwapo nya kahit wala syang ginagawa. Kahit hindi nya subukan.

"You're late." Aniya at tumayo. Kung kanina ay niyuyuko ko sya, ngayon naman ay tinitingala ko na sya. Ang tangkad nya talaga.

Maayos syang nakasuot ng uniform ngayon. White buttons, black leather shoes at may suot na relo. Maayos ang gupit nya pero medyo magulo parin 'yun. Ang gwapo talaga ng masungit na 'to. Ang cool nya pala kapag mukhang estudyante ang dating.

Naglakad lang ako sa normal na lakad ko. Sya naman ay sinusubukang bagalan ang lakad nya dahil masyadong mahabang ang legs nya. Isang hakbang ko yata ay dalawa na nya.

"Hindi ah. Baka naman maaga ka lang masyado?" Nakagat ko ang labi ko. Nakasuot na naman ngayon sa kanya ang itim na bilog nyang hikaw sa magkabilang tenga.

Kumunot lang ang noo nya. "I'll wait for you everyday, Princess. Don't be late again, I don't like waiting."

Nagmake face na lamang ako habang naglalakad kami. Ang sungit! Ang gwapo gwapo ni sungit!

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon