TKP 20

87.4K 2.2K 292
                                    

20: Not Friends

"What are you doing?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Pierce.

Nag-angat ako ng tingin at nakita syang kapapasok lang pala sa room namin.

Nabighani na naman ako sa kanya. Maayos syang nakasuot ng uniform namin ngayon, hindi tulad ng mga ibang araw na parang galing sya sa suntukan. Bukod nga lang doon sa black buttons nya. Dapat ay puti iyon. Kitang-kita pa naman na black buttons ang nakalagay sa longsleeve button-down uniform nya dahil puting-puti iyon.

Ang neat at ang bad boy nyang tignan.

Umupo sya sa upuan nya. Kung sana ay tumabi na lang sya saakin hindi iyong lumalayo pa sya ng dalawang bangko, eh friends naman na kami.

"Sinusulat ko iyong mga binigay saakin ni Victoria." Sagot ko sa kanya at nagsulat na ulit sa cartolina.

"Give it back to them." Bagot na utos nya.

"Huh? Bakit? Maaga nga akong pumasok para dito.." Sabi ko na hindi tumitingin sa kanya.

"Inabot sila ng 10 pero hindi nila yan natapos?" Seryosong tanong nya. Ramdam ko ang tingin nya saakin.

Umangat muli ang tingin ko sa kanya. "Ano bang problema mo at ang aga-aga ay bad mood ka dyaan? Tska ikaw ba ang nagsusulat at galit na galit ka?"

Kunsabagay ay talaga namang paiba-iba ng mood ang lalaki na ito.

Umirap lang sya at hindi na ulit nagsalita. Nang matapos ko na ang sinusulat ko ay sumulyap ako sa kanya. Nakita ko syang nagtatype sa cellphone nya. Seryoso lang sya at mukhang iritado.

Sinubukan ko iyong silipin nang hindi nahahalata. May katext sya! Sinong katext nya at mukha syang mangaaway na naman?

Nagulat ako nang tumingin sya saakin mula sa cellphone nya. Nanlaki ang mata ko, nahuli nya ako. Pinagtaasan nya lang ako ng kilay at sumandal sya sa upuan nya ng may ngisi sa labi.

Ano yun? Kanina lang ay mukhang naiirita sya sa katext nya, ngayon naman ay nakangiti? Sira na ba talaga ang ulo nya? Sino bang katext nitong si Pierce?

Nagsimula na ang klase namin. Tahimik lang si Pierce at hindi parin ako sanay na nakikinig na sya sa klase. Take note, may hawak pa syang ballpen habang pinaglalaruan iyon sa labi nya at talagang seryoso syang nakikinig.

"Okay, let's have a quiz." Utas ng teacher namin sa harapan.

Napangiwi ako. Sa kaunting discussion na iyon ay may quiz na? Narinig ko ang pag-angal ng mga kaklase ko.

Kumuha na ako ng papel at kinuha ko na rin ang ballpen ko. Handa na ako at wala akong alam. Hindi ako nakinig!

Tumingin ako kay Pierce na nakasandal lang. Hindi sya naba-bother na may quiz o talaga namang wala lang syang reaksyon? O baka naman alam nya talaga ang lesson?

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon