TKP 4
Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay ligtas ako nang dumating si Pierce. Bakit nga ba? Masama parin sya at masungit saakin pero bakit magaan ang loob ko? Hindi sya yung tipo na gagawa ng maganda, pero bakit may gusto akong makita sa kanyang iba?
Mabilis na tumayo ang lalaking merong clean-cut na buhok. Isa sya sa humipo sa batok ko.
"Dude, h'wag kang makialam dito." Maangas na sabi nya. Pinantayan nya si Pierce pero kahit medyo naka upo si Pierce sa lamesa ay mas matangkad parin si Pierce.
Tumagilid ang ulo ni Pierce sa isang gilid at ngumisi. Kita ko ang umusbong na galit nang lalaki. Kumuyom ang panga nito.
"Pre, tara na." Biglang dumating ang may semi mohawk na buhok para hilahin ang kaibigan nya.
"Hindi eh! Masyadong naghahari-harian tong Jimenez na to! Kabago-bago!" Sigaw nya ulit. Nakikita ko mula sa kinakaka-upuan ang ugat nyang nag nga-ngalit.
"Shh!" Suway ng kaibigan n'ya at tumingin ulit sa baba.
"Vince, tara na.." Umapila rin ang isa pa para hilahin ang kaibigan nilang si Vince na gusto atang mag simula ng gulo sa library. Maswerte at wala pang nakakakita saamin.
"Dapat makatikim yan! Kung umasta sa school--" Galit na galit sya. Siguro nga ay ganyan ang tingin sa kanyang ng mga kalalakihan dito sa school. Masyado kasi syang nakakaagaw ng pansin, masyadong presko at maangas kung gumalaw.
Humalukipkip si Pierce at tumayo ng tuwid. Ngayon ay kita na kung gaano sya katangkad. Mas matangkad sya sa lima. Ang pinakamatangkad sa kanila ay si Vince na hanggang kilay lang ni Pierce.
"Fine, try me." Paghahamon ni Pierce. Ako ang nakaramdam ng kilabot ng sabihin nya iyon. Paano nya nasabi iyon, e lima ang kalaban nya!
Nag tangis ang panga ni Vince. Bumilog ang kamao nya at tumingin sa gilid kung nasaan ang mga kaibigan. "May araw ka rin, Jimenez."
Naunang umalis yung Vince kasunod ang iba pang kaibigan at yung dalawa ay naiwang nakatingin saamin at si Pierce na pinapanuod rin silang umalis habang nakaangat ang sulok ng labi.
Nang makaalis sila ay hinanap ko ang mata ni Pierce. "Salamat.."
Napatingin sya saakin nang mag salita ako. Nanliit ako sa tingin nya. Tumaas ang kilay nya. "H'wag mong isiping pinagtanggol kita." Tumalikod sya saakin.
Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko para hablutin ang braso nya.
"P-pero.. salamat parin." Napayuko ako ng sabihin ko iyon.
Humarap sya pero hindi ko alam kung nakatingin ba sya saakin dahil nakayuko ako. Nag angat ako ng tingin at nakita kong pinagmamasdan nya ako.
"Bakit hinahayaan mo lang?" Tanong nya.
Nakagat ko ang labi ko. Ang ibig ba nyang sabihin ay kung bakit hinahayaan ko silang i-bully ako? Siguro ay nag tataka sya. Palagi nyang nasasaksihan kapag binu-bully na ako.
Napalunok ako. "W-wala naman akong magagawa eh.."
Napailing sya at tumitig saakin. "Why am I even asking?"
Inayos nya ang suot nyang bag sa balikat at tumingin sa relo nya. Kitang kita ko kung paano bumagsak at gumalaw sa noo nya ang malambot nyang buhok ng medyo may kahabaan at magulo ng kaunti, ganun rin ang patilya nyang medyo mahaba. Nakasuot sya ng itim na bilog na hikaw sa magkabilang tainga.
"It's almost time, pumasok ka na." Aniya at natigilan na para bang may nasabi syang mali.
Nang tignan ko ang relo ko ay tama nga sya. 5 minutes na lang at mag sisimula na ang susunod na klase. Nang tignan ko syang muli ay papalabas na naman sya nang hindi man lamang nag sasabi.