TKP 21

72.6K 2.3K 295
                                    

21: Text Messages

Apat na araw nang hindi pumapasok si Pierce. Apat na sunod-sunod na araw.

"Wala bang nakakaalam kung bakit absent palagi si Jimenez?" Isang araw ay may nagtanong saaming teacher.

Walang sumagot. May iba akong kaklase na sumisilip saakin at nageexpect yata na sasagutin ko ang tanong ng teacher namin. Wala namang namamagitan saamin ni Pierce. Porket ba ako ang palagi nilang nakikitang kasama ni Pierce ay girlfriend nya na ako? Bakit ganun ang mga tao?

Kumain lang kami ni Loraine nang tahimik sa canteen habang kasama nya si Enzo at ako ay isang malaking singit dito habang napupuno sila ng katamisan.

"Uy, Cess hindi mo ba talaga alam kung bakit absent si Pierce?" Bigla nya na lang naisingit habang kumakain kami.

Tinignan ko sya at ganun rin si Enzo. Nagkibit balikat lang ako.

Wala akong pakialam sa lalaki na iyon. Sya ang may choice nyan at hindi ako. Aanhin ko ba kung mapaalis sya sa school na ito? Papahirapan ko lang naman rin ang sarili ko sa kakatama sa mga baluktot nyang dahilan.

Oo inaamin kong gusto ko syang pumasok. Pero dahil lamang iyon sa nakakaawa ang mommy nya. Grabe, ang sama talaga nya. Hindi nya ba naiisip ang mommy nya sa mga ginagawa nya?

Medyo naging close naman na talaga ako sa kanya pero hindi pa naman kami 'ganoon' kaclose kaya okay lang saakin. Okay lang talaga na wala sya sa paligid. Sa totoo lang ay medyo masaya pa nga ako na wala sya. Nitong mga nakaraang araw ay medyo hindi ako namomroblema ng dahil sa kanya pero inaamin ko namang kahit papaano ay hinahanap-hanap ko parin ang presence nya.

"Ewan ko doon. Hayaan na natin sya."

Ako na ang naunang bumalik sa room. Hinayaan ko muna si Loraine at Enzo magkasama. Sa daan ko papuntang room ay nakasalubong ko pa si Elaine at Kharl.

Medyo nasa-sanay na ako na parang hindi parin gaano. Paano ako maniniwala sa pinagsasasabi nitong si Elaine eh palagi naman silang magkasama. Okay judgemental na rin ako kagaya ng mga pumapansin saamin ni Pierce pero ano naman? At least alam kong may isang may gusto sa isa sa kanila. Hindi kagaya namin ni Pierce.

Tss.

Hindi ko alam kung tumingin ba saakin si Kharl dahil kay Elaine lang ako nakatingin. Nakangiti sya saakin pero hindi gumalaw ang labi ko hanggang sa malagpasan ko sya.

Hindi ko sya nginitian. Badtrip ako ngayong araw. Hindi maganda ang gising ko. Medyo masakit pa ang ulo ko at dinagdagan pa ng pagdating ng period ko.

Nang makarating ako sa room ay dumukdok lang ako sa desk ng upuan ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin saakin si Victoria. Hindi nya ako binully ngayon kahit na mag-isa lang naman ako.

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko kaya kinuha ko iyon. Medyo sumasakit pa ang puson ko.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon