His Point Of View (Part 1)

76.4K 2.2K 679
                                    

PIERCE JYN JIMENEZ



"Akala ko ba may crush sakin yung bata na yun?" Naiinis na sabi ko kay Yvo.


Nakikipaglaro sya sa mga kaklase naming babae.


"Sino?" Tanong nya habang nakikipagtawanan.


"Yung Princess!" Naiinis na sigaw ko dahil ayaw nya akong pansinin. Isa pa, nakakabadtrip yung Princess na yun!


"Hindi bata sa atin si Princess, grade 5 lang rin sya." Walang pakialam na sagot ni Yvo dahil sya na ang titira sa laro nila.


Tumalon talon sya doon sa sementadong daan na may mga guhit gamit ang puting chalk.


Umupo ako sa tabi nila Clinton na naglalaro lamang sa gadget nya. Ibinato ko sa lamesa ang laruang helicopter at remote control. Nakita ko si Jynx na nakaupo habang minamasahe ang kamay ng babae naming kaklase na si Jela. Psh.


"Kainis," Iritadong bulong ko.


Ang sabi saakin ni Yvo ay may nagkaka-crush saaking babae na Princess ang pangalan. Pero inaway ako ng Princess na yun kanina.


Lalo akong sumimangot habang inaalala ang itsura nya.


"Bakit inaway mo ang bestfriend ko?" Tanong ng babae na hindi ko kilala.


Tumingin ako sa kanya saglit para makita sya. Naka-ipit ang buhok nya na naghihiwalay sa gitna at nakataas iyon.


Hindi ko sya pinansin at pinagpatuloy ang pagcocontrol sa maliit kong helicopter na inumit ko lang sa schoolmate ko dahil kinuha ni Klark ang laruan ko. Isa pa, nakakasawa palang magcontrol ng mga kotse! Airplanes and helicopters are fun!


Mamaya magpapabili ako kay daddy.


"Akin na nga yan!!" Sigaw nung babae at inagaw saakin ang controller kaya bumagsak ang helicopter.


Tumingin ako sa babaeng pakialamera.


"Sino ka ba!" Inis na sigaw ko sa kanya.


"Bestfriend ako ni Gian, yung inagawan mo ng laruan na to!" Inirapan nya ako. "Hmp!" Pinulot nya ang helicopter.


Hindi ko alam kung bakit nya ako sinigawan. Hiniram ko lang naman yung helicopter nung lalaki na yun, sino ulit? Si Gian!


Tumayo ako para kuhanin ang controller at helicopter ko sa kanya. Edi kung gusto nya, yung Gian ang kumuha!


Napa-atras sya at parang iiyak dahil halos magkapantay lang kami. Hanggang kilay ko yata.


Kinuha ko agad sa kanya ang laruan.


"Hindi naman sayo yan!" Sigaw nya.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon