TKP 27

89.7K 2.6K 367
                                    

Merry christmas everyone! :)

TKP 27

Umakyat kami gamit ang maganda at nakakaintimida nilang hagdan. Nang makarating kami sa itaas ay lumiko kami para naman dumaan sa mga kwarto. 

Huminto kami ng mommy nila sa isang itim na pinto kung saan na yata ang kwarto ni Pierce. Meron din iyong isa pang kaharap ng itim na pinto.

"So... iwan ko na muna kayo?" Awkward na sabi ng mommy nya.

Lumagabog ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit! Nagkasama naman na kami ni Pierce sa isang kwarto diba? Pero... iba kasi ngayon. Wala na akong sakit at magiging awkward ito ngayon.

"S-sige po.." Magalang na sabi ko. Humigpit ang hawak ka sa towel na nakabalot saakin.

Nakapatong parin saakin ang tuwalya para hindi magpatakan ang mga tubig mula sa ulan, pero basang-basa parin ako at ganun din si Pierce.

"Pierce..." Bumaling ang mommy nya kay Pierce na hindi makatingin ng diretso saamin. "Papahatiran ko na lang kayo kay manang ng kailangan nyo." Nangungusap ang mga tingin ni mrs. Jimenez kay Pierce.

Para bang hindi nya alam ang gagawin nya sa anak nya. Kung dapat nya bang iwan, o may dapat ba syang ibigay. I don't know. Babyng-baby siguro si Pierce sa kanya.

Tumango si Pierce ng isang beses. Medyo namumutla sya. Hindi sya makatingin saakin.

Tumingin ulit ng isang beses saakin si mrs. Jimenez at umalis na. This is awkward. Tumingin ako kay Pierce at nilagpasan nya ako para pumunta sa pinto ng kwarto nya. Binuksan nya iyon at tuloy-tuloy na pumasok. Iniwan nya iyong nakabukas.

"Ahh.." Naibulong ko na lamang. Anong gagawin ko dito ngayon? Titigan ko palang ang kwarto nya, kinakabahan na ako.

Malaki ang kwarto ni Pierce. Doble o triple yata ng laki ng kwarto ko. Black ang kulay ng wall nya. Mukha iyong makapal at matibay na para bang hindi basta-basta matitibag. Gray naman ang kulay ng ceiling. May tatlo syang malalaking transparent window sa gilid na kasing taas yata ng tao. Makikita mo ang kagandahan ng labas. Makakapal rin ang kulay gray nyang kurtina na kung itatakip ay siguradong didilim ang kwarto.

Tumingin naman ako sa king size bed nya. Light grat iyon, may puting kama at itim ang comforter. Itim rin ang headboard. Kulay puti naman ang iba pa nyang interiors. May maliit syang single sofa sa gilid katabi ang isang may kalakihang desk.

Nasa harapan ay ang malaki nyang flatscreen tv. Ngumiwi ako dahil malaki pa ang tv niya sa kwarto kesa sa tv namin sa sala. Okay..

Nakita kong binuksan ni Pierce ang malaking puting wardrobe nya. Nasa gilid parin ako at hindi umaalis sa kinakatayuan ko. Wala parin namang imik si Pierce. Galit parin sya saakin.

Nang humarap sya ay may hawak syang puting damit. Naglakad sya papalapit saakin. Pati ang tunog ng lakad nya ay nagpapatalon sa puso ko. Huminto sya sa harapan ko at inabot nya saakin ang hawak. Masungit parin ang mukha nya.

The Knightless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon